Una sa Balita

Piolo sinariwa ang lampungan kay Jana

0 832

abante-anything-goes-jun-lalin

Alam mo, Dondon, nakakatuwa sina Piolo Pascual at Jana Victoria dahil um-attend sila sa special screening ng pelikula nilang “Lagarista” na ginawa sa Dream Theater ng CCP (Cultural Center of the Philippines).

Bale monthly event pala ‘yon ng SOFIA (Society of Filipino Archivists for Film) para sa paghahanda na rin sa 100th year of Philippine cinema.

Si Piolo, nagpaalam lang sa isang trabaho niya para maka-attend sa nasabing screening. Si Jana naman, nag-announce na magpapaka-active na uli sa kanyang showbiz career.

“Hindi nagbabago ang hitsura mo,” sabi ni Piolo kay Jana, na sinagot naman nito ng, “Ikaw rin!”
In fairness, parehong naging maalaga sina Piolo at Jana sa kanilang mga sarili, kaya naman kung ano ‘yung hitsura nila noon sa “Lagarista” (sinimulan nila ang shooting noon more than 19 years ago), halos ganoon pa rin naman ang hitsura nila ngayon.

Sabi ni Jana, sob­rang natuwa sila sa muli nilang pagkikita ni Piolo at ikinuwento na nu’ng gawin nila ang isang love scene sa “Lagarista” ay nakatapis lang sila ng tuwalya.

“Si PJ (palayaw ng aktor), nakatali talaga ‘yung tuwalya niya para hindi matanggal. Naka-perdible pa yata at kahit matusok na siya, okey lang, basta huwag lang matanggal ang tuwalya.

“Ang malas ko lang kasi ‘yung tuwalya ko ang natanggal at ayaw nilang i-edit ‘yon,” natata­wang kuwento na lang ni Jana.

Sabi naman ni Piolo, sini­gurado niyang mahigpit talaga ang tali ng tuwalya dahil sinabihan sila ni Direk Mel Chionglo na kapag natanggal nga ang tuwalya ay hindi magte-take two at kung ano ang makunan ay ‘yon ang ipapalabas.

Ang ilang mga fan na nagpunta roon, nag-suggest na sana ay magkaroon ng reunion sa pelikula o telebisyon sina Piolo at Jana.

Samantala, may trivia sa role ni Piolo sa “Lagarista.” Bukod pala sa kanya, may nagrekomenda rin kay Jericho Rosales para roon, pero hindi raw natuloy ang audition nito, pati na rin ang audition ng isa pang aktor, kaya naman kay Piolo na napunta talaga ang role na ‘yon.

Pilita ayaw paawat, super display ng mga hita

Last Saturday evening naman, um-attend ako ng 80th birthday party ng lola ng singer na si LA Santos. Nakasama ko sa table sina Eddie Gutierrez, Annabelle Rama, Pilita Corrales, Ramon Christopher, Eva Eugenio, Pinky and Liby Ramos (of Fernando’s Bakery) at nasa kabilang mesa naman namin sina Anthony Taberna, Imelda Papin at Claire dela Fuente.

Kuwento ni Mon­ching (tawag kay Ramon Christopher), galing sila ng kanyang Mamita (Pilita) sa bahay ng sister niyang si Jackie Lou Blanco (palagi pa rin silang nagba-bonding with their mom), kaya isinama na raw siya roon ng kanyang nanay.

Tamang-tama naman na um-attend din doon sina Tito Eddie at Tita Annabelle, kaya ang saya lang sa table namin.

Hindi nalalayo ang edad ni Tita Pilita sa birthday celebrant, pero ang lakas-lakas pa rin niya. Bilib nga ako kay Tita Pilita habang nagpe-perform dahil sobrang galing pa rin niya at nagagawa pa niyang i-display ang kanyang legs, huh!

Beauty queen sa Japan sasayaw sa QC

Naku, Dondon, nandirito pala ngayon sa bansa ang first runner-up sa Miss Universe Japan 2014 na si Hiro Nishiuchi para sa kanyang advocacy na maintaining a healthy and fit lifestyle sa pamamagitan ng pagsasayaw.

Ngayong umaga nga (6:00-8:00AM), kasama si Hiro sa Groove is in the Heart event sa Liwasang Aurora ng Quezon City Memorial Circle.

Invited daw sa event na ‘yon ang new actor na si Javi Benitez na anak ni Congressman Albee Benitez. Bale dance marathon daw ‘yon at talagang kino-convince ako ng organizers na mag-join para makapag-exercise at para makapag-start na raw ako na makapagpayat, huh!

Parang type ko naman dahil bilib ako sa stamina nitong si Hiro na nakukuha raw niya dahil sa regular na pagsasayaw.

What do you think, Dondon, join ba tayo para maging kasing-sexy tayo ni Hiro?

Anyway, hindi ako magtataka kung pasukin din ni Hiro ang local showbiz dahil ang dalas-dalas niyang magpunta sa ating bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy