Una sa Balita

Piolo, Sharon, Daniel hindi nag-demand ng talent fee kay Regine

0 1,759

abante-anything-goes-jun-lalin

Ewan ko lang kung meron pa bang tickets na ipinagbibili para sa “Regine at the Movies” first show on Saturday kung saan guest ni Regine Velasquez-Alcasid si Piolo Pascual.

Ang dami-dami kasing nagtatanong sa akin kung may mabibili pa silang tickets, kaya ang ­advice ko, mag-check sila sa Ticketnet outlets, tumawag sa 911-5555 o mag-check online sa ticketnet.com dahil nang magtanong ako kay Cacai Velasquez-Mitra (sister cum mana­ger ni Regine at producer ng concert series) ay hindi na siya sure kung may makukuha pa siyang tickets for November 17.

“Nauna kasing lumabas ‘yung with Piolo and then ‘yung with Sharon (Cuneta on November 24). Then ‘yung dinagdag na araw kasi, ‘yung with Daniel (Padilla) na November 25. Mabili rin ‘yon.

“Nang lumabas kasi ‘yung tickets para sa first two shows, ang ganda kaagad, ang bili, kaya dinagdag nga namin ‘yung third night. Nang i-announce rin na si Daniel ‘yung guest doon, lalo ring lumakas,” sey ni Cacai.

May mga nagtatanong nga pala kung bakit hindi na lang daw Araneta Coliseum ang kinuhang venue for “Regine at the Movies,” pero ang paliwanag nga roon, conceptualized nga ‘yung concert series na ‘yon para sa venue na katulad ng New Frontier Theater.

Actually, ilang beses na ring gumawa ng ganoon si Regine at ‘yung pinaka-last nga ay ‘yung “Regine at the Theater” sa Solaire two years ago.

Anyway, marami nga pala ang na­ngungulit sa akin, since pare-parehong big stars sina Piolo, Sharon at Daniel (in that order kasi ‘yon ang pagkakasunod-sunod ng guesting dates nila), hindi raw kaya nalula sina Regine at Cacai sa laki ng talent fees ng tatlo?

“Jun, hindi naging problema ‘yung TF. Ni hindi pinag-usapan ang tungkol doon. In fairness, no talks about TF talaga! Ang na­ging problema pa namin, ‘yung sche­dules nu’ng tatlo para nga magtugma sa araw na magge-guest sila.
“Pero naayos nga, kaya si Piolo, nasa November 17, then si Sharon sa November 24 at si Daniel nga, November 25.

“’Yung kay Sharon nga, sobrang thankful talaga kami ni Ate dahil dapat nasa Hong Kong na siya that day, pero nag-adjust siya ng sobra. Ginawa niyang November 25 ng morning ang flight niya para mapagbigyan nga niya kami. Eh, November 25 mismo ‘yung show niya sa Hong Kong, kaya sobrang sacrifice ang ginawa ni Sharon, kaya sobrang nakaka­bilib at nakaka-touch!” sabi pa ni Cacai.

Sabi pa ni Cacai, “Si Piolo, sobrang gusto ni Ate na makapag-guest siya sa ‘Regine at the Movies’ dahil nagkasama na sila noon sa movie. Hindi pa rin nakakapag-guest si Piolo sa kahit na anong concert ni Ate, pero si Ate, nag-guest noon sa Araneta Coliseum concert niya.

“Then si Sharon naman, idol talaga siya ni Ate kahit noong mga bata pa kami. Nakaka-relate si Ate sa mga pelikula ni Sharon, like ‘yung ‘Bukas Luluhod Ang Mga Tala’ at ‘Bituing Walang Ningning.’

“Relate na relate si Ate sa mga pelikulang ‘yan ni Sharon noong time na kahirapan pa kami at nangangarap siyang maging sikat na singer!

“Si Daniel naman, na-impress siya sa kanta, plus box-office ang movie, kaya in line naman sa theme ng concert!”

Media partner nga pala ang ABS-CBN sa “Regine at the Movies” at co-presentors ang PLDT Home, Belo Medical Group at GAOC Dental at major sponsor naman ang Jollibee at minor sponsors ang 81 Seihai, Jkas Catering & Services at Ryu Ramen.

Bawal nga palang kumuha ng video ang mga manonood ng “Regine at the Movies” kaya ipagbabawal ang pagdadala ng video equipment and professional cameras!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy