Una sa Balita

PIOLO-SHAINA, ‘TODO-LAMBINGAN’ SA COLDPLAY CONCERT!

By
0 12

Super-sweet sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao sa Coldplay Concert. Si Shaina nga ang ka-date ni Piolo, kasama ang anak na si Iñigo.

Makikita nga sa mga pictures ang happiness sa kanilang mga mukha.

Pero, mas bongga ang naganap after ng concert, na kung saan ay naglalakad na nga sila sa paligid ng MOA Concert Grounds.

Makikita sa video ng yaya ni Piolo na si Yaya Moi na tsika siya nang tsika sa naranasan niya sa concert, habang naglalakad.

And then, umikot ang kamera at nakita nga si Iñigo. At pagkatapos, sumilip din sa kamera sina Piolo at Shaina.

At ‘yun na nga, makikita rin na holding hands while walking sina Piolo at Shaina, ha! Wala na ngang tagu-tago ng relasyon. Lantaran na nga, na siyempre ay gusto naman ng mga fans.

MARIAN-DINGDONG, ENJOY SA COLDPLAY!

Marian Rivera at Dingdong Dantes
Marian Rivera at Dingdong Dantes

Bukod kina Alden Richards at Maine Mendoza, hindi rin pinalampas ng mag-asa­wang Dingdong Dantes at Marian Rivera ang Coldplay.

Mukhang magkakatabi sila ng mag-dyowang sina Paolo Contis at LJ Reyes.

Nanood din si Mikael Daez na umangkas sa motor para makaabot sa MOA from taping at pagkatapos ay bumalik din ng taping ng Legally Blind.

Nandu’n din sina Barbie Forteza, Kathryn Bernardo, Jane Oineza, Coleen Garcia, Gabby Eigenmann, Karylle at iba pa. (ROSE GARCIA)