Una sa Balita

Piolo, Shaina malabo ang relasyon

By
0 2,702

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang litrato na pinost ni Dr. Vicki Belo sa Instagram matapos nilang makibahagi sa National Bible Month ng asawang si Hayden Kho.

Kasama kasi nila sa photo ang rumored lovers na sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

May aprubado sa pagkakaroon ng relasyon nina Papa P at Shaina pero meron ding kumokontra.

“I’m happy for Shaina and Piolo parehong mabait at matulungin at higit sa lahat maka-Diyos.” – @sheng5973.
“So bagay @piolo_pascual and @shainamagdayao…Naku Piolo, Shaina is a good catch. Huwag mo ng pakawalan…She has a beautiful soul match with a beautiful face. – @befeater_24.

“I watched Shin in Magandang Buhay sabi nya friends ang sila ni Piolo and hindi sila. And if Piolo is dating Shaina dapat visible sila eh hindi naman kase nagtuloy instead great friends lang sila.” – @doodan_recto.

Bahagi naman ng comment ni @hammieldanding, “Kung gusto yan ng lolo niyo noon pa. Eh 41 kasi single pa, huwag kasyong assuming ma-hurt ka lan.”

Naku, magkagustuhan man sina Piolo at Shaina, ‘wag na ninyong pakialaman at ‘wag nang mandawit pa ng ibang tao, huh!