Una sa Balita

Piolo, Sarah, Ogie, kapuri-puri…

0 6

Pinuri ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) ang ABS-CBN, ANC, at DZMM sa kanilang pagtampok ng kultura at si­ning Pilipino sa telebisyon at radyo sa NCCA 30th Founding Anniversary Celebration noong May 17 sa Sofitel Manila.

Ayon sa NCCA, tinuturing nilang media partners ang ABS-CBN, ANC, at DZMM dahil sa kanilang suporta sa mga programa, proyekto, at mga aktibidad ng Commission sa pamamagitan ng pagpapakita ng kultura at sining Pilipino sa mga programa sa radyo at telebisyon.

Isang halimbawa nito ang pag-ere sa ANC ng Dayaw, isang documentary series na proyekto ng NCCA at ni Sen. Loren Legarda.

Isang 30-minute weekly show ang Dayaw na layuning ipakita ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sining at kultura ng ating bansa kung saan si Sen. Legarda mismo ang host na isang kilalang IP rights advocate.

Pinapakita rin ang pagsisikap ng ABS-CBN na ipamalas sa mga Pilipino ang kulturang Pinoy sa mga news story nito na ibinibida ang mga programa ng NCCA tulad ng Ani ng Da­ngal, isang taunang event na kinikilala ang mga Pinoy artists na binigyang parangal sa mga international competition; at ang selebrasyon ng NCCA ng National Heritage Month na layunin namang ipalaganap ang respeto at pagmamahal sa kulturang Pilipino.

piolo-pascual-ncaa-award
PIOLO sa NCCA

Samantala, kinilala rin ang ilang Kapamilya stars sa kanilang mahalagang papel bilang celebrity ambassadors sa pagtulong sa NCCA na makamit ang kanilang misyon.

Kabilang sa mga artistang kinilala ay sina Piolo Pascual (Culture Ambassador), Sarah Geronimo (Music Ambassador), Ogie Alcasid (Heritage Ambassador/ASEAN Ambassador), Boy Abunda (Arts Ambassador), Enchong Dee (Heritage Ambassador), at Jericho Rosales (Heritage Ambassador).

Bukod dito, sinusuportahan din ng Kapamilya network ang infomercials ng NCCA na tungkol sa Philippine Arts Festival at National Arts Month, dahil umere ang mga ito sa radyo at telebisyon para mas malaman ng maraming Pilipino.

Ang NCCA ang ahensiya ng gobyerno na na­ngangasiwa sa pangangalaga at pagtataguyod ng kultura at sining ng Pilipino. Ipinagdidiwang ng NCCA ang ika-30 taon nito na may temang, Lingkod NCCA: Marangal. Malikhain. Mapagbago. Filipino!