Una sa Balita

Piolo at Robin ambisyoso sa Marawi movie

By
0 12

Magastos ang next movie na ipo-produce ng Spring Films nina Piol­o Pascual at Binibining Joyce Bernal after ng blockbuster production nila ng Kita Kita.

Chika ng isang kaibigan na involved sa production, may kaugna­yan ito sa gulo na nangyari sa Marawi City na pagbibida­han nina Robi­n Padilla at Piolo Pascual na ididirek ni Bb. Joyce.

Of course, naidirek na ni Joyce si Robin sa ilang romantic comedy films na nagawa nila. Huli niyang dinirek ang Action King sa award-winning film na 10,000 Hours.

Lalo silang napalapit nang magbigay sila ni Piolo­ ng tulong para sa adbokasiya ni Robin sa Tindig Marawi. Dinagdagan pa nila ang tulong nang magsagawa ng telethon fund raising ang network ni Papa P para sa Marawi.

Bago simulan ang principal photography, marami pang pre-production requirements lalo na at kailangan ng permiso ng ilang government authorities bago magsimula ang ambisyoso at magastos na pelikula, huh!

‘Coco’ dream come true kay Iñigo

Pinasilip ni Iñigo Pascual ang music video ng version niya ng kantang Remember Me mula sa bagong movie ng Disney na Coco. Ito ang bagong sorpresa niya sa kanyang fans.

“It feels like a dream come true – I’ve been workin­g with @disney.ph to bring you something special. Check back for more details in the coming days! #PixarCoco,” caption ni Inigo.

Mas namamayagpag ngayo­n ang singing career ni Iñigo kumpara sa acting career niya. Ang nagagawa nga naman ng isang hit song, huh!

Bashers abang-abang na kina Laura sa Miss World at Rachel sa Miss Universe

Laur­a Lehmann

Kinawawa ng netizens si Mariel de Leon na bigo ngang maiuwi ang Miss International 2017 crown last Tuesday sa Japan. Hindi rin kasi pumasok sa Top 15 ang ating panlaban kaya doon pa lang ay nag-flashback ang ilang netizens sa pagiging taklesa ni Mariel.

Kayo naman, mahirap kaya talaga ang magkaroon ng back to back winners sa isang international beauty pageant. Hindi natupad ‘yan kay Maxin­e Medina nu’ng nakaraang Miss Universe 2016 after ng panalo ni Pia Wurtzbach. Kaya ‘yung chances ni Mariel na maka-back to back kay Kylie Verzosa na 2016 Miss International ay very slim, huh!

After ng pagkatalo ni Mariel­, inaabangan naman ang magiging­ kapalaran ng pambato ng bansa sa Miss World 2017 na si Laur­a Lehmann. Kasunod nito ay ang paglaban naman ni Rachel Peters sa Miss Universe sa Las Vegas.

Naku, kapag hindi pinalad, magbubunyi tiyak ang netizens na walang magawa kungdi mam-bash ng ating kababayan, huh!