Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Piolo, Regine movie hiling ng mga fan

0 331

Labis ang naramdamang kilig ng netizens nang mapanood muli sa iisang stage sina Piolo Pascual at Regine Velasquez sa “ASAP Natin To” noong Linggo (Enero 9).

Nagbalik-ASAP na nga ang ultimate heartthrob at nag-celebrate ng kanyang birthday sa Sunday noontime show. Inawit nina Piolo at Regine ang theme song ng pinagsamahan nilang pelikula na “Paano Kita Iibigin.”

Hiling tuloy ng fans ng PioGene, sana raw ay magsamang muli ang dalawa sa isang palabas o pelikula.

Sa kanyang pagbabalik-ASAP, inulit ni Piolo na mananatili siyang Kapamilya hanggang sa humihinga pa siya.

“It is good to be back here on the ‘ASAP’ stage because this is my family for 22 years. I would like to stay as a Kapamilya for the rest of my life as long as I am living,” saad ni Piolo.

Sa kasalukuyan, abala na raw si Papa P sa upcoming series nila ni Angelica Panganiban at sa serye naman niya kasama si Lovi Poe.

“I’m starting a new series with Angelica. I’m working on ‘Flower Of Evil’ with Lovi Poe. I have so much to do, so ang wish ko lang is for us to be safe para dire-diretso ang trabaho,” pagbabahagi niya.

Bukod sa bagong shows, nakatakda na rin daw siyang mag-release ng isang single under Star Music.

“We’ll release my new single, ‘Tawag Mo.’ This is composed by Ralph Castor and is produced by Jonathan Manalo under Star Music.” (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.