PIOLO, PINALAKPAKAN SA SAGOT SA LIP KISSING VIDEO KAY IÑIGO!

By

Pinalakpakan ang sagot ni Piolo Pascual tungkol sa lip kissing video nila ng kanyang anak na si Iñigo na binigyan ng malisya ng social media bashers.

Walang nagtanong kay Piolo sa presscon kahapon ng Northern Lights tungkol sa pinag-uusapan na isyu pero siya mismo ang nagbukas ng topic.

“Ako na ang magsasabi ng lumabas na news na madaming nagba-bash du’n sa video namin ng anak ko. Ako na ang nag-bring up, ‘di ba?

“Pero iniisip ko how am I gonna address that issue? Ano ba ang sasabihin ko?

Paano ko ba sasabihin ‘yon kasi puwede ka naman na maging defensive pero you know what, at the end of the day, blessing ‘yung ganoong experience na habang nabubuhay ka pa, you get to experience that with your family, with your son, for that matter.

“Wala akong sasabihin sa mga bashers, it’s a blessing na ginagawa sa akin ng anak ko ‘yon kasi ganoon ako pinalaki ng magulang ko.

“Natural ‘yon eh. Natural ‘yon. Ako, gustung-gusto ko na nilalambing ‘yung mga bata kasi kapag lumaki na ‘yan, hindi mo na puwedeng lambingin.

Pero para sa akin, para gawin ng anak ko ‘yon sa akin, gagawin ko rin sa nanay ko ‘yon, gagawin ko rin sa tatay ko kasi ang sarap ng pakiramdam.

Masarap din na masaya rin ‘yung pakiramdam ng ­magulang mo ‘di ba?”

***


Tungkol sa relasyon ng mag-ama ang kuwento ng Northern Lights, ang pelikula ng Regal Entertainment Inc. na ipalalabas sa mga sinehan sa susunod na Miyerkules, March 29.

Si Dondon Santos ang direktor ng Northern Lights at ayon sa kanya, naiiba ang plot ng bagong project niya dahil mula sa point of view ng isang ama na ginagampanan ni Piolo Pascual­ ang kuwento ng Northern Lights.

Si Raikko Mateo ang anak ni Piolo sa pelikula na nadagdagan ang ingay dahil sa viral video­ ni Piolo at ng kanyang real-life son na si Iñigo na binibigyan ng malisya ng mga mahihilig sa intriga at kontrobersya.

Pero mas marami ang nagtatanggol kina Piolo at Iñigo dahil para sa kanila, normal lang ang father and son kiss and hug ng mag-ama sa video na kumalat.

Sa South Africa, perfectly normal ang paghalik sa labi ng ama sa kanyang anak, lalake man o babae dahil bahagi ito ng kultura nila kaya hindi isyu sa kanila ang mga ganoong klase ng eksena.

Sa isang artikulo na lumabas sa Daily Mail noong March 2016, sinabi ng psychologist na si Emma Kenny na hindi ‘sexualisation of children’ ang lip kissing ng kanilang mga magulang.

“I am entirely against the sexualisation of children, but this is completely­ different and shouldn’t invite criticism.

It is about nurturing your child, letting them know how special they are,” ang pahayag ni Kenny.

SHARE