Una sa Balita

Piolo patuloy ang panawagan ng tulong, pagkakaisa para sa mga taga-Marawi

0 261

abante-paistaran-dondon-serminoTatlong pelikula ang sunod-sunod, o sabay-sabay na gagawin ni Piolo Pascual bago matapos ang 2018. Kasama na nga ang pelikulang Marawi.

May mga nag-iisip na hindi na matutuloy ang movie na Marawi, dahil hindi sila pinayagan na magsyuting doon. Esplika ni Piolo, makakapag-shooting pa rin sila sa Marawi, pero hindi lang sa lugar na kung saan ay naganap talaga ang giyera.

Delikado raw kasi dahil baka may mga nakatanim na bomba pa roon na hindi pa natatagpuan, at baka mapahamak lang ang grupo nila.

Samantala, nagbigay ng statement si Piolo, at Spring Films, ang producer, tungkol sa pelikulang Marawi:

MARANAO:

“Assalamu Alaikom Warahmatullahi Taala Wa Barakatuh. Phakitukawanami rekano a mga pagari ami a so dikanggalebeka ko salida a Children of the Lake na itataros den sa paguluwanan imanto a Filipino Director a si Joyce Bernal agoso mga salapidaw nyan a aya pantag tano ron palaya na so karundeng o mga pali sa puso tano o kathidawa go so kaisa-isa tano langon a taw sa Pilipinas.

“So mga taw a myaped sangkaya a salida Children of the Lake na makapaparatiyaya ko kapiya o kalilintad o inged tano a Mindanao ago Marawi go aya mala masisinganen iran ko kisalidaaniranon na so malai i kipantag ko kapamuayan o bnar sangkai a bituan tanu sa Marawi siege. Wassalam go salamat ko suporta nyo langon.”

FILIPINO:

“Magpapatuloy po ang pelikulang Children of the Lake sa direksiyon ni Bb. Joyce Bernal. Kwento ito ng mga pinagdaanan ng ating mga kapatid sa Marawi, tungkol sa kanilang paghihirap hanggang sa kasalukuyan.

“Ang layunin namin ay maipakita nang tapat ang naganap sa Marawi siege at kapulutan ito ng aral at hindi na muling maulit pa.

“Mahigit isang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin nakakabangon ang Marawi at kinakailangan nila ang tulong at pagkakaisa ng lahat para makatayong muli at magbalik sa normal. Maraming salamat sa patuloy na pagsuporta!”

 

Piolo alinlangang maging dyowa ni Toni

Samantala, bukod sa Children of the Lake, gagawa rin ng pelikula si Piolo na ididirek ni Lav Diaz at Raya Martin. At siyempre, tuloy pa rin ang paglabas niya sa ASAP, at ang Home Sweetie Home nila ni Toni Gonzaga.

Marami ang nakakapansin na nilalagyan na ng love angle ang kuwento sa kanila ni Toni. Siya na nga ba ang mapapangasawa ni Toni bilang kapalit ni John Lloyd Cruz?

“That’s why tinatanong namin ang mga manonood kung ano ba ang opinion nila. Hindi naman puwedeng abrupt, na nawala si John Lloyd, tapos papalit na agad ako. Gusto talaga naming malaman kung ano ang gusto ng mga tao. Of course, Filipino family pa rin ang gusto naming i-cater. Pero masaya kami sa set. Mas nagkakaroon ng progress ang sitcom,” sabi ni Piolo.

Kung ang sagot nga raw ng mga manonood nila ay sige, maging magdyowa sila, okey na okey ‘yon kay Piolo

 

Piolo madalas ma-bash dahil kay Shaina

Siyanga pala, ayaw mang sabihin ni Piolo, pero obyus naman na si Shaina Magdayao na ang ka-date niya sa ABS-CBN Ball sa September 29.

“Traditionally naman, I’m with… mahirap kasi ‘pag nagsalita ka, tapos mami-misinterpret lang. Tapos taken out of context, siguro kasama ko ang anak ko. Kung sino man ang kasama ko afterwards, bahala na si Batman.

“Pero, kasama ko siguro si… Bahala na…” tila alinlangang say pa ni Piolo.
Shaina?

“Ah, binaba-bash kasi ako pag nagsasalita ako, so ayoko na lang magsalita, bahala na. ‘Yung iba kasi masakit magsalita, baka pumatol ako, kaya ayoko na lang magsalita.”

Pumapatol ka ba talaga sa basher?

“Pinagdadasal ko sila para manahimik sila.

“Pero, sumasagot talaga ako. Minsan masasaktuhan na wala ka sa mood, sasagot ka talaga. Pero, tinatanggal ko rin after.

“Kasi minsan, pag sumagot ka, masusundan na ‘yon. Even yung mga fans, nasasangkot na sila. So, wag na lang.

“Pag si Iñigo ang naba-bash, mas sumasagot sa akin ’yon. Pinagagalitan ko. sabi ko, ‘easy ka lang.’ You don’t have to be pikon. Ang gusto nila atensiyon mo. Pag napikon ka, talo ka.

“‘Wag ka na lang sumagot kung hindi mo kaya ang… Nang-aaway kasi, kaya sinasabihan ko na wag patulan,” kuwento pa ni Piolo.

SunPIOLOgy 10 taon na

Anyway, ang bilis nga ng panahon, dahil heto at sampung taon na pala ang SunPIOLOgy. At this time, may tema naman sila na Bike, Run + Play, Give Back to Live Healthier Lives.

Ang SunPIOLOgy ay isang charity-sporting event from Sun Life Philippines and its ambassador Piolo.

Dubbed as “SUNPIOLOGY TR10”, there are three ways to be part of this milestone: SUN CYCLE PH on November 17 at Bonifacio Global City, SUN LIFE RESOLUTION RUN and SUN vs STARS with Star Magic, both happening on January 26, 2019 at Camp Aguinaldo.

To be part of SUNPIOLOGY TR10, visit www.sunpiology.com and follow #SunpiologyTRIO for more information.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy