PIOLO, NAIYAK SA ‘SPEECH’ NI MOTHER!

By ,

Sobrang naging emotional si Piolo Pascual sa presscon ng Northern Lights: A Journey To Love.

Umabot nga sa pag-iyak ang pagiging emo ni Piolo at nagsimula ‘yon dahil sa speech ni Mother Lily Monteverde, na kung saan ay pinuri-puri talaga niya ang kabaitan ng binata at ang matinding pagmamahal niya sa aktor.

“Sorry po…” sambit ni Piolo dahil sa kanyang pagluha.

“@Actually si Ms. Roselle (Monteverde) called me up yesterday mor­ning. Then, si Mother…

“Sabi ko, nu’ng bata pa ako, napapanood ko mga Regal movies. Ang sarap sa pakiramdam, I was so starstruck, na sobrang overwhelmed ako habang papunta sa trabaho ko kahapon.

“Nakakataba ng puso, na tinatawagan ako ni Mother Lily. Para akong Regal baby.

“I’m just really overwhelmed. I’m just really humbled. I love you po, Mother,” maluha-luhang sambit ni Piolo.

“Sorry po talaga na naging emotional ako,” ulit pa ni Piolo.

“Hindi kasi ako makapaniwala na sina Mother ang kausap ko.

Ang sarap lang na may ginawa kayo na, na kahit ano ang mangyari, manalo, matalo, masaya kayo,” tsika pa rin ni Piolo na sobra-sobra nga ang pasalamat kina Mother at Roselle sa ibinigay na opportunity sa kanya.


“Ang sarap lang talaga… Sorry ulit,” sey pa rin ni Piolo.

PIOLO, GENEROUS SA STAFF!

Sa maikling appreciation speech ni Mother Lily dahil natupad ang pa­ngarap na pagbabalik ni Piolo sa Regal Films after so many years, ang Northern Lights, kung saan katambal niya si Yen Santos, ramdam mo talaga ang matinding pagmamahal.

Sa nasabing speech ni Mother ay isiniwalat niya ang generosity ni Piolo.­ Na ipinamahagi raw ng binata ang kanyang talent fee sa production staff. Doon nga napaiyak si Piolo at naging emotional.

Well, bongga nga ang movie dahil pinuntahan nila ang Northern Lights bago magtago ito at ilang taon bago siyang magpakita muli. Binigyan ni ­Piolo ng pagpupugay ang mag-inang Mother Lily at Roselle na walang-sawa sa paggawa ng pelikula.


SHARE