Una sa Balita

Piolo nagbigay ng P1M sa Tindig Marawi project ni Robin

By
0 19

Ipinagmalaki ni Robin Padilla ang kabutihan ng loob nina Piolo Pascual at Bb. Joyce Bernal dahil sa ibinigay nilang tulong para sa pagpapatayo ng bahay sa Marawi.

Ipinakita ni Binoe sa kanyang Instagram account ang donasyon nina Piolo at Bernal na nagkakahalaga ng P1.5M (P1M mula kay Papa P at P500K kay Direk Joyce).

Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.. Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayon gabi ng ika 23 ng oktubre 2017 sapagkat maraming religious na tao pero walang act na ganito..pagkatapos na pagkatapos na makapaningil ng kanilang kinita sa pagiging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at kagyat nagdonate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa marawi. 1million piso galing kay kapanalig na Piolo Pascual @piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini. Maraming maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino..mabuhay kayo aking mga kaibigan!! Mabuhay ang inyong Mga ispiritu !! Dasal koy kumalat ang mga #spiritualact ng bawat Pilipino upang manaig ang ating lahing pagkaTagalog!! .. "Sa salitáng tagalog katutura’y ang lahát nang tumubo sa Sangkapuluáng itó; sa makatuid, bisaya man, iloko man, kapangpangan man, etc., ay tagalog din. (The word tagalog means all those born in this archipelago; therefore, though visayan, ilocano, pampango, etc. they are all tagalogs.

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

“Bihira ang mga taong may ganitong klaseng puso at pananampalataya.

Hindi ko masabi na religious act ang ipinakita nila sa akin ngayong gabi ng ika-23 ng Oktubre 2017 sapagkat mara­ming religious na tao pero walang act na ganito.

“Pagkatapos na pagkatapos makapaningil ng kanilang kinita sa pagi­ging mga producer ay hindi naisip ng dalawang ito na mag-goodtime kaagad o magpakalunod sa celebration bagkus ang ginawa nila ay hinanap ako at nag-donate ng pera para sa pagpapatayo ng bahay sa Marawi.

“1 million piso galing kay kapanalig Piolo Pascual@piolo_pascual at 500 libong piso galing kay kapanalig Joyce Bernal @direkbinibini.

“Maraming salamat sa inyong dalawa dahil hindi lamang tulong pinansyal ang nais ninyong ibahagi kundi pati ang inyong personal na serbisyo para sa pagpapalaganap ng Tindig Marawi sa bawat puso ng Pilipino. Mabuhay kayo akong mga kaibigan!!!” caption ni Robin.

Sina Piolo at Bb. Joyce ang dalawa sa producers ng Spring Films na gumawa ng blockbuster na Kita Kita.

Heart naiyak sa mall show ng My Korean Jagiya sa Bacolod

Napaiyak si Heart Evangelista sa nakaraang mall show ng My Korean Jagiya stars sa SM City Bacolod nu’ng Sunday dahil hindi niya akalaing dudumugin ng tao ang show nila.

Sa IG ni Heart, kitang-kita sa photo ang dami ng taong dumagsa sa mall show nila.

“Never in my wildest dreams did I think #MyKoreanJagiya would capture the hearts of so many people! Our mall show last night was truly overwhelming.

Backstage, we were so moved that we were crying – hearing all of you screams and messages of support. We will never forget the love we felt! Jagiyas, you have my heart!” mensahe ni Heart.

Kasama ni Heart na nagpasaya sa Bacolod ang leading man niyang si Alexander Lee, Iya Villania at komedyanang si Divine Aucina.

Sa nakaraang selebrasyon naman ng Masskara Festival, si Marian Rivera naman ang nakasama ng Bacolenos noong Oct. 19.

Nakasama naman niya ang co-stars sa Super Ma’am na sina Kim Domingo, Matthias Rhoads, Ashley Ortega at Enrico Cuenca.

Mula sa Bacolod, bumiyahe si Yan Yan sa Panga­sinan para sa Kapuso fans day doon kasama nina Jerald Napoles, Joyce Ching at Kristoffer Martin.

Dumaan din si Marian sa Lady of Manaoag, nagtulos ng kandila at nakuhanan siyang nasa tindahan ng mga daing na paborito rin niyang kainin.