Una sa Balita

Piolo naengganyong magka-baby dahil sa anak ni Pokwang

0 352

abante-anything-goes-jun-lalinAlmost 10 months old na ang bunso ni Pokwang na si Baby Malia, kaya naman naisama na nila ng kanyang lovey-dovey na si Lee O’Brian ang bata sa biyahe nila pa-Amerika. Kasama rin doon ang panganay ni Pokwang na si Mae.

Wala silang yaya, kaya palitan sina Pokwang, Lee at Mae sa pag-aalaga kay Malia.

Siyempre, nagkaroon na rin si Malia ng pagkakataon na makita ang mga kamag-anak niya sa part ng kanyang tatay at tuwang-tuwa raw ang mga ito sa kanya.

Nasa Amerika nga pala si Pokwang dahil sa “Father & Son” concert series ng mag-amang Piolo at Iñigo Pascual kasama si Maris Racal. Ang tatlo nga raw, lalo na si Piolo, tuwang-tuwa rin kay Malia.

Gustong-gusto nila ang anak ni Pokwang at palaging nilalaro, huh! Teka! Hindi kaya sa sobrang aliw ni Piolo kay Malia, maisipan niyang sundan na si Iñigo?

Pero palagi namang sinasabi ni Piolo na wala siyang “extra curricular activity” kaya mukhang malabo namang mangyari ‘yon sa ngayon, puwera nga lang kung bigla siyang maghanap, huh!

O, baka naman kaya ‘yung sa kanila ni Shaina Magdayao ay bigyan na talaga nila ng label at puwedeng ang aktres na nga ang maging nanay ng next baby ni Piolo, ‘noh?!

Naku, feeling ko lang kasi, sa sobrang in love ni Iñigo kay Maris ay baka mauna pa siyang magka-baby sa kanyang tatay, pero sana nga lang ay nagpipigil ang dalawang bagets!

Eh, noong last time na nakatsikahan namin si Piolo, sinabi niyang hindi naman issue sa kanya kung sakaling magkakaroon na siya ng apo.

 

Mga tiket sa concert ni Regine paubos na

Sa presscon ng “Regine at the Movies,” ibinu­king na rin pala ni Regine Velasquez-Alcasid na si Vice Ganda ang makakasama niya sa kanyang Valentine concert ngayong 2019 at sinabi pa ngang two nights ‘yon.

Actually, noong 2017 pa sana ay may Valentine concert na ang dalawa, kaso may solo Valentine concert nga si Vice, kaya hindi ‘yon natuloy at ang ending nga ay walang Valentine concert si Regine last year. Pero at least, matutuloy na nga ‘yon sa February, huh!

Dahil nga pala sa tsikang ‘yon ni Regine ay mara­ming mga fan tuloy ang umaasang sa isa sa three nights ng concert series niyang Regine at the Movies sa New Frontier Theater ay biglang a-appear si Vice para i-surprise ang misis ni Ogie Alcasid at magpa-sample sila ng gagawin nila next year sa kanilang Valentine concert.
Well, who knows at baka magkatotoo nga ‘yon, huh!

Anyway, ang benta-benta ng tickets ng “Regine at the Movies.” ‘Yung November 17 kung saan ay guest si Piolo, almost sold-out na raw at sobrang lakas din ng benta ng tickets ng November 24 kung saan ay guest naman si Sharon Cuneta at hindi rin nagpapahuli ang November 25 na guest naman niya si Daniel Padilla.

Nakakaaliw nga pala ‘yung kuwento ni Regine na siya ang kumausap talaga kina Piolo, Sharon at Daniel para mag-guest sa kanyang concert series.

Si Daniel nga raw, habang nagsu-show sila sa ­Sydney, Australia ng ASAP ay unti-unti siyang luma­lapit sa anak ni Karla Estrada para tanungin kung puwede niya itong maging guest sa “Regine at the ­Movies” at um-oo naman daw ito kaya inayos nila ‘yon.

 

Kim ipapareha ni Mother Lily sa super sikat na aktor

Masaya si Mother Lily Monteverde sa pagpapahiram ng Star Magic kay Kim Chiu para sa Metro Manila Film Festival 2018 official entry ng Regal Entertainment, ang “One Great Love” kung saan kapareha nito si Dennis Trillo.

Puring-puri rin ni Mother Lily ang acting ni Kim sa nasabing pelikula. Tama ba ang narinig ko na sa tuwa ni Mother Lily kay Kim ay may “niluluto” na siyang isa pang pelikula para rito?

May isang big actor nga raw na kinakausap si ­Mother Lily na gusto niyang kunin sa pelikulang ‘yon. Sa tingin daw ni Mother Lily ay magki-click ang big actor at si Kim.