Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Piolo matagal nang pantasya ni Zsa Zsa

0 123

Nagbalik-tanaw si Zsazsa Padilla sa kanyang career at love life sa naging kwentuhan nila ni Toni Gonzaga sa digital talk show ng Star Cinema na “I Feel U.”

Isa sa mga napag-usapan nila ang pelikula niya noong 1997 na “Batang PX” kung saan nakasama niya sina Patrick Garcia at Piolo Pascual. Chika ni Zsa Zsa, kahit supporting role lang si Piolo noon, naramdaman na niya noon pa lang na magiging sikat na artista si Papa P.

“Sabi ko, ‘bakit parang hindi bagay sa kanya ‘yung role niya?’ ‘Cause I saw it in him, parang he’s meant for bigger roles. Parang mukha siyang star talaga,” sabi ni Zsa Zsa.

Matagal na ngang pantasya ni Zsa Zsa na magkasama sila ni Piolo ulit sa pelikula.

SM food to go Banner Ad

Napag-usapan din ang love life ni Zsazsa dahil pitong taon na niyang karelasyon ang partner niyang si Conrad matapos silang i-set up ni Sharon Cuneta sa kanilang blind date noon.

“Sige, open na ako for whatever, for dating. So dating lang, kaya lang, knowing me, ‘yung na-date ko na first date, ‘yun na ‘yun,” kwento ni Zsa Zsa tungkol sa pagmove-on kay Dolphy bago makipag-date muli.

Chika pa niya, super happy pa rin siya hanggang ngayon dahil sobrang sweet sa kanya ni Conrad at lagi pa siyang minamasahe nito.

“That’s what I love most about him, he’s really very sweet. Masilbi siya,” sabi ng singer-actress na regular na napapanood sa “ASAP Natin ‘To.” (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.