Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Piolo, Maja, Julia dedma na sa laban ng ABS-CBN

0 266

Hindi na sumakay ang ilang mga dating Kapamilya star sa hashtag campaign na #AnditoKamiParaSaYo na siyang paggunita sa isang taon mula nang magsara ang ABS-CBN.

Tila deadma na lang ang mga ito at tuluyan nang kumalas sa laban ng network.

Kapansin-pansin na wala ni isa mang post na ganun sina Piolo Pascual, Julia Barretto, Maja Salvador, Billy Crawford, Maris Racal, Richard Yap, at iba pa.

Sa gitna nang sunud-sunod na post ng mga nanatiling Kapamilya at halos mapuno ang Instagram ng ganung hashtag, walang anumang pagsuporta ang mga nabanggit na artista.

Well, posibleng nang layasan ng mga ito ang kanilang network, nagpahinga na rin sila sa pakikipaglaban.

Pero si Piolo, hindi pa rin naman niya inaalis sa profile pic ng Instagram niya ang ribbon ng ABS-CBN.

Andrea naaliw sa regalo ni Dimples

Pinasaya ni Dimples Romana si Andrea Brillantes dahil sa ibinigay nitong birthday gift sa young actress.

Ibinalandra ng Twitter account na @andreaSeth07 ang larawan ni Andrea na ipinapakita ang personal ref na kulay pula na bigay ni Dimples.

Bahagi ng unboxing post ni Andrea ang regalo sa kanya ni Dimples.

Ang red ay signature color ni Dimples na ikinabit sa kanya sa nag-viral na mga ‘meme’ niya mula sa nagwakas na seryeng “Kadenang Ginto”.

Ito ‘yung larawang hila-hila ni Dimples ang red suitcase niya habang naglalakad sa kalye suot ang red dress.

Gumanap na mag-ina sa serye sina Dimples at Andrea.

Ikinatuwa ni Andrea ang gift kaya nagpakuha siya ng photo kasama ito.

Mga anak nina Julius, Christine negosyante na

Pati ang mga anak nina Julius Babao at Christine Bersola ay sumakay na rin sa online selling. Nagbebenta ng money organizer wallet ang mga anak nilang sina Anya at Neo.

Ipinagmalaki ni Julius ang produkto ng mga anak sa Instagram.

May mga division at pangalan ang bawat plastic case ng wallet para sa kanilang pera. Hindi lang sa mga perang gagastusin magagamit ang wallet, kundi sa mga nagnanais na mag-save ng kanilang pera.

Natuwa sina Julius at Christine sa initiative ng mga anak na magnegosyo sa murang edad nila.

Albert buwis-buhay sa bagong kinababaliwan

Kung sina Gabby Concepcion, Aga Muhlach ay dagat ang libangan, kakaiba naman ang kinababaliwan ni Albert Martinez. Astig nga kung ituring si Albert dahil off-road adventure ang libangan niya.

Alam ng mga mahihilig sa sasakyan ang off-road, na ang gustong puntahan ay mga remote areas. Mapapanood sa video na pinoste ni Albert sa Instagram, ang pagrampa nila sa mga liblib na lugar, mababatong kalsada, mapuputik na daan, paglusong sa mga ilog at pag-akyat sa mga bundok.

Umiiyak sa ngitngit ang gulong at makina ng sasakyan ni Albert sa pag-akyat sa mga mabato at maputik na daan. May grupo si Albert na kasama-kasama niya sa adventure.

Medyo delikado nga lang sa kaligtasan ng aktor sa mga liblib na lugar, kung saan may posibleng mga masasamang loob ang naninirahan doon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.