Una sa Balita

Piolo, Liza puring-puri ng beauty guru sa Milan

By
0 2,004

Nakilala ko naman sa Milan ang beauty guru na si Sheeboom (Bouian Casenas) at naaliw ako sa mga kuwento niya tungkol sa ilang local stars natin na nagpunta na roon at inayusan niya.

In fairness to Piolo Pascual daw, kahit sikat na sikat ang aktor, sobrang bait daw nito. Hindi rin daw maarte si Liza Soberano at very accommodating sa mga fan.

Nang usisain ko siya kung sino sa mga artista na nagpunta na sa Milan ang may pagka-okray, sinabi lang niya na wala pa naman daw siyang sad experience sa mga artistang pinahawakan na sa kanya ng mga taga-TFC.

***

ABS-CBN naghanap ng mga bagong artista sa Italy

Hindi lang pala nationwide ‘yung Star Hunt 2018 audition ng ABS-CBN dahil worldwide ‘yon. Noong May 20, nagpunta pala ng Rome, Italy si Direk Lauren Dyogi para sa audition doon ng mga posibleng ilagay nila sa reality TV shows ng Kapamilya network.

Kuwento sa akin ng taga-TFC Italy na si Eric, marami raw ang nag-audition at mukhang may mga natipuhan naman si Direk Lauren.

***

Yasmien mas pahihirapan ni Gina

Kahapon ay kapalitan ko ng direct message sa Instagram ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka star ng GMA 7 na si Yasmien Kurdi. Kagagaling lang daw niya sa taping.

“Heto po, pagod, kagagaling lang ng taping, pero masaya dahil may good news kanina sa set. Extended daw po ‘yung show. Nakakatuwa nga po ‘yung ibinalita sa amin,” sey ni Yasmien.

Naku, hindi kaya mas lalo siyang pahihirapan sa show ng kontrabidang si Gina Alajar? Mas tumataas kasi ang rating ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka kapag inaapi-api si Yasmien ng bruhildang si Gina.

Gustong-gusto ‘yon ng viewers ng nasabing afternoon series ng Siyete, huh!

Teka! Hindi kaya umabot din ng lampas sa isang taon ang Hindi Ko Kayang Iwan Ka katulad ng ibang nagtapos na afternoon series ng Kapuso network?