Una sa Balita

Piolo, Iñigo patalbugan gumiling

0 427

Kuhang-kuha ng mag-amang Piolo at Iñigo Pascual ang puso ng kababaihan nang i-post kamakailan ni Iñigo ang short video clip na sumasayaw silang dalawa ni Piolo ng #MicrowaveChallenge.

Ayon kay Iñigo, iyon daw ang mga nagagawa nila ng kanyang ama sa #FatherAndSonTour2019.

Oops, hindi concert tour ah? Tour as in travel lang! Yes, adventurous kasi ang mag-ama at siyempre hinaluan na rin nila ng kulitan ang bonding nila.

Tribute, aniya, nilang mag-ama ang sayaw na iyon sa minention niyang kaibigan na nagngangalang @patherzig sa Instagram or tinatawag ding #Bubi­Dance.

Oh well, mukhang may nadagdag na naman sa listahan ng mga dance craze challenge na kababaliwan ng mga millennial.

Natuwa naman sa mag-ama ang ilan sa mga kapwa artista nila tulad nina Alessandra de Rossi at Gretchen Ho. Umani rin ng compliments ang mag-ama mula sa kanilang mga fan. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy