Una sa Balita

Piolo hubo’t hubad matulog

By
0 4,096

Ang cute ng guesting nina Piolo Pascual, Empoy at JC de Vera sa Gandang Gabi Vice, ha! At kahit ilang araw na ang lumipas, usap-usapan pa rin ang mga naganap na aminan sa portion na ‘Guilty’ or ‘Not Guilty’ na sinimulan sa guesting noon nina Jerome Ponce, Nash Aguas at Joshua Garcia.

Anyway, ‘guilty’ nga raw si Piolo sa pagtulog nang hubo’t hubad.

“Hindi ba natural iyon na minsan matulog kang nakahubad,” pahayag ni Piolo.

Tinanong pa ni Piolo ang Since I Found You co-stars niyang sina JC De Vera at Empoy kung hindi pa ba nila nagagawa iyon ngunit agad din niyang nilinaw na ginagawa niya iyon tuwing siya lang mag-isa.

Biro tuloy ni Vice Ganda na gusto niyang mamasukan bilang kasambahay kay Piolo.

Kinagat naman ni Papa P ang joke at sinabi, “Kaya tignan mo si Moi.”

Sumang-ayon naman ang Unkabogable star at sinabing, “Kaya pala kahit umalis na eh bumalik pa rin.”

Bukod sa paghuhubad tuwing natutulog, tanging­ si Piolo lang din ang umamin na naranasan na niyang pag-agawan ng dalawang babae.

Anyway, pagkatapos ng tatlong taon nang bumida siya sa Hawak Kamay, napanood nga ulit si Piolo sa Since I Found You.

Empoy nandiri sa halik ni Alessandra

Kaaliw sina Alessandra de Rossi at Empoy sa presscon ng Since I Found You. Ang harot-harot kasi ni Alessandra, na gusto niyang subuan ng pagkain si Empoy, na tinatanggihan nga ng komedyante.

May eksena pa na gustong halikan sa labi ni Alessandra si Empoy, pero ayaw talaga ni Empoy.

“Ikaw na nga ang binibigyan ng chance, ayaw mo pa!” sabi ni Alessandra kay Empoy.

“Kadiri kasi! Amoy bagoong!” sabi naman ni Empoy, na tinawanan ni Alessandra, na nung mga oras na ‘yon ay kumakain nga.

Anyway, kung si Empoy ang tatanungin, nasa punto na raw siya ng kanyang buhay kung saan gusto na niyang magkapamilya. Nang ipa-describe kasi sa kanila ni Alessandra sa Tonight With Boy Abunda ang lagay ng puso nila, sinagot ni Alex na hindi naman daw nagkukuwento si Empoy tungkol sa lovelife nito.

“Hindi ko naman alam, minsan kasi ang hirap kausap ni Empoy sa ganyang bagay,” sabi ni Alessandra.

Binalik tuloy ni Alex kay Empoy ang tanong kung totoo nga bang may nililigawan na ito ngayon. Mabilis namang itong pinabulaanan ni Empoy.

“Wala, Tito Boy. Ang life ko kasi, gusto ko magkaroon ng pamilya sa turning point ng age ko. Eh, tur­ning point ko na. Kasi 24 na ako, searching,” pag-amin ni Empoy.

Hindi pa man niya nahahanap ang babaeng makakasama niyang habambuhay, patuloy naman ang magandang takbo ng kanyang career dahil kasama nga siya sa teleserye nina Piolo Pascual at Arci Muñoz na Since I Found You.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy