Una sa Balita

Piolo generous pa rin sa aktor-politiko

0 1,267

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyHanggang nga­yon hinaha­ngaan at ipinagpapasalamat pa rin ni Rep. Yul Servo ang pagiging generous at kabaitan ng best friend niyang si Piolo Pascual. Sinabi ni Congressman Yul na mahigit isang libong grocery bags at ham ang ipinamigay ni Piolo sa kanyang nasasakupan nitong nakalipas na kaarawan ng aktor.

Hindi lang ito ang naibigay ni Piolo sa kanyang distrito, nauna pa rito ay namahagi pa ng isang libo at mahigit na pares ng sapatos ang Kapamil­ya actor sa mga bata.

Ayaw nang humi­ngi pa ng sponsorship ni Cong. Yul kay Piolo dahil nahihiya na raw siya sa pagiging mapagbigay ng kaibigan. Apat sa limang anak ni Cong. Yul ang ina­anak ni Piolo at ipinanga­landakan pa ni Yul na generous ninong ang kaibigan.

Ang laki na ng ipinagbago ni Yul mula sa pagiging mahiyain, naging madaldal na ito ngayon.

Aiko natotomboy sa ganda nina Dawn, Mariel, Marian?

Naaliw sina Dawn Zulueta, Mariel Padilla at Ma­rian Rivera kay Aiko Melendez sa pinoste nito sa kanyang Instagram wall. Ang nasabing mga aktres ay kabilang sa listahan ni Aiko sa pinakamagandang mukha sa entertainment industry, na kinabibilangan pa ng ibang mga star na sina Dina Bonnevie, Kathryn Bernardo, Julia Barretto, Gretchen Barretto, Liza Soberano, Bea Alonzo at Maja Salvador.

“Making my list of the most beautiful faces we have in the industry, with or without make-up.”

Sabi pa ni Aiko sa karugtong ng kanyang message, hindi lang mga mukha ng mga ito ang magaganda kundi pati na ang kanilang mga kalooban.

“Some actresses are more beautiful because of their good soul. Some I haven’t worked but I really do find them beautiful,” sabi ni Aiko.

Nag-comment sina Dawn, Mariel at Marian sa post na ito ni Aiko.

“Awww,” ang say ni Mari­an.

“Oh, my gosh I’m included!!! Sooo flattered!!! Love you!!!” sabi naman ni Mariel.

“Oh, this is so sweet @aikomelendez, Thank you,” sambit naman ni Dawn.

Naku, although kilala kong girl na girl si Aiko, pero mukhang natotomboy siya sa mga ito, ha!

Peace, Aiko! Ayaw ni Mayor Jay, ha!

Kuya Kim gaya-gaya kay Rami Malek

Binaliw ni Kim Atienza at ng kanyang misis ang kanilang mga follower sa Instagram nang mag-pay tribute sila kay Rami Malek, ang bida sa Hollywood movie na “Bohemian Rhapsody.”

Ginaya ni Kuya Kim ang hitsura ni Malek sa pelikula. Naka-sando na puti, yellow sunglass, brush up na buhok na may gel at bigote, at may hawak na vintage microphone. Nakasando rin ng puti ang asawa ni Kim at nakabigote.

Ang ikinabaliw ng mga supporter nila ay ang pag-pout ng lips ni Kuya Kim, para ma­kahawig talaga si Rami.

Ang rason ni Kuya Kim ay para batiin ang Hollywood actor sa pagwawagi nito ng best actor sa Oscars.

“We never doubted @ramimalek would win this year’s #academyawards for best actor #BOHEMIANRHAPSODY.”

Jona namatayan ng ‘alaga’

Nagdadalamhati, nag­luluksa ngayon ang singer na si Jona sa pagkamatay ng kanyang alagang aso. Pinoste ni Jona sa Instagram wall niya ang larawan ng kanyang doggie. Cancer daw ang ikinamatay ng kanyang alaga na ilang buwan pa lang sa kanyang poder.

“Pain and suffering is over Bumble Bear..You can now run cancer free on the rainbow bridge my love…it’s really not about the length of time being together…we thank you for 6 months GREAT memories and for adding joy in our home…I will miss you sooo much Bumble Bear…I love you Bam bam,” sabi ni Jona.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy