Una sa Balita

Piolo delikado sa mga kamay ni Ai-Ai

By
0 2,008

Abangers ang fans ni Ai-Ai delas Alas sa Valentine (Feb. 14) concert niyang Ai Love U kung haharasin ba niya ang special guest niyang si Piolo Pascual o magbi-behave ang Co­medy Queen ngayong Mrs. Gerald Sibayan na siya.

Sa tuwing may guest na heartthrob si Ai-Ai sa concert, may nagaganap na harutan sa kanila sa stage. May mga panakaw na haplos ang Comedy Queen na bentang-benta sa concert-goers, huh!

Eh, para sa Co­medy Queen, wala namang malisya kung may mga panakaw siyang lam­bing na gawin kay ­Papa P. Trabaho lang ang ginagawa niya at hindi niya ito pinepersonal, huh! Unless bumigay rin sa kanya si Papa P., huh! Ha! Ha! Ha!

Abante Hiring – IT dep

Si Gerald naman, dedma lang sa paghaha­rot ng asawa sa sinumang makasamang aktor sa stage. Tutal naman, secured na secured siya sa pagmamahal sa kanya ni Ai-Ai, huh!

Magaganap ang V-Day concert ni Ai-Ai sa Palacio de Maynila at mula ito sa Star Media Entertainment ni ­Anna Puno.

Anyway, nagsimula nang mag-taping si Ai-Ai ng bagong GMA series na Sherlock Jr. pero tutok na tutok pa rin siya sa food business niyang Ai Sarap Express.

Jinri Park ­tinulungan ni Heart na makahanap ng lalake

Nagpahabol ng mensahe ng pasasa­lamat ang Korean star na si Jinri Park kay Heart Evangelista na kanyang nakasama sa GMA program na My Korean Jagiya. Kahit pumapel siyang kontrabida sa love story nina Heart at leading man na si Alexander Lee, nagpasalamat si Jinri sa pagiging mabait sa kanyang ng Kapuso Sweetheart pati na ang pagtulong sa kanyang maka­hanap ng boyfriend, huh!

“To my idol Heart, it has been an honor working with you for My Korean Jagiya. I’ve always been a huge fan of you since Myx days and whenever people ask me who my favorite actress is in the local showbiz industry, I say you!!!

“Thank you for being so nice and friendly to me and everyone. You’re not just a pretty face but you have such a kind heart as well. Working with you made me love you more and I hope nothing but the best for you!

“I hope to see you again and work with you! And (I) also hope that Panda will like me someday. Thank you for trying to help me find a boyfriend! Hahaha! I love you,” saad ni Jinri sa kanyang Instagram.

Sa panig naman ni Alexander, ang pagtatrabaho ng limang buwan sa MKJ ang happiest five months sa buhay niya. Kahapon nagtapos ang MKJ at kapalit nito sa Lunes, January 15, ang The One That Got Away nina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos.