Una sa Balita

Piolo, Coco, Gerald nagpaguwapuhan sa ‘Age Challenge’

0 317

abante-paistaran-dondon-serminoParang virus na kumalat sa social media (sa buong mundo) ang Face App/Age Challenge, ha! Sa unang tingin, mamamalik-mata ka nga, na iisi-pin mong bakit biglang tumanda si ganito, o si ganyang artista.

Kung hindi ka masyadong tutok sa social media, iisipin mo ngang ibang tao sila.

Anyway, ‘yan nga ang kinababaliwan ngayon ng mga artista sa Pilipinas, at kahit sa Hollywood. Ang iba, ang mga fan nila mismo ang gumagawa ng Age Challenge na ‘yan, na ginagamit lang ang mga photo nila sa social media.

Nakakaaliw lang na ang iba, kahit tumanda na, guwapong-guwapo/maganda pa rin, ha!

Tulad na lang ni Coco Martin, na madali mo ring mamumukhaan, dahil sa kanyang ngiti na plakado, markado na sa kanya.

Ganu’n din si Kristoffer Martin, na pinaputi man ang mga buhok, at ginawang kulubot ang mukha, pero katakam-takam pa rin ang kaguwapuhan, ha!

Bongga rin sina Ervic Vijandre, Jhong Hilario na parang hindi masyadong nagbago ang itsura, Jason Abalos, Adrian Alandy.

Siyempre, pogi pa rin sina Piolo Pascual, Daniel Matsunaga, at Darren Espanto. Ganu’n din si Alden Richards, at Will Dasovich.

Winner din sina Mark Herras, Gerald Anderson, JM de Guzman, Ate Gay, John Pratts, at marami pang iba.

Para naman kay Khalil Ramos, medyo scary na ang app na ito, dahil parang nakita nga niya ang lolo niya sa itsura niya ngayon.

Kapansin-pansin na mas matapang ang mga lalaking artista na makita ang itsura nila sa hinaharap, o kapag umabot na sila sa edad na 70 pataas.

Madalang lang sa mga artistang babae ang gumagawa nito, sumusubok sa Age Challenge na ito. Tila takot sila na makita ang itsura nila sa pagtanda.

Ilan lang sa mga nakita ko na sumubok ay sina Zsa Zsa Padilla, Gretchen Ho, Angelika dela Cruz. Si Maine Mendoza ay meron din pero ang Instagram account ng “Eat Bulaga” ang gumawa, ganu’n din ang kay Alden.
Meron din sina Vice Ganda at Ion Perez, pero obyus na ang mga follo-wer nila ang gumawa, dahil wala sa kanilang mga IG ang mga photo na ‘yon.

Pero, biglang-bigla naman ay naglabasan rin ang ‘babala’ na kesyo kapag ginamit mo ang Face App/Age Challenge na ito, ay unti-unti na nga raw na nakukuha-nan ka ng personal data mo. Wala kang kamalay-malay na nakukuha na ang mga impormasyon sa buhay mo, na ayaw mong ipamigay basta-basta, at posible pa raw na magamit ‘yon sa kalokohan sa hinaharap.

Well…

Fairy Nova mas bagay sa bundok

Sa ‘Squad Goals in the City’ ng “Daig Kayo ng Lola Ko”, binigyan nina Vina at Ronnie si Fairy Nova ng habilin pagdating sa pamumuhay sa siyudad. Una sa lahat, hindi puwedeng gamitin ni Fairy Nova ang kanyang kapangyarihan kapag ito ay nasa pampublikong lugar. Panga-lawa, magpapanggap itong pinsan ni Vina at kaibigan ni Ronnie. Pangatlo, kailangang maghintay si Fairy Nova na matapos ang klase ng dalawang babae.

Sumang-ayon si Fairy Nova at naghintay hanggang sa matapos ang lahat ng klase nina Vina at Ronnie. Sa hapon, gumagala at naglilibot ang tatlo.

Habang nananabik na makabili ng milk tea sina Vina at Ronnie, naakit naman ng mabangong amoy ng barbecue sa katabing kalsada si Fairy Nova. Sinundan ni Fairy Nova ang amoy hanggang sa nakatakas ito kina Vina at Ronnie.

Nakita ni Fairy Nova ang barbecue stand at napansin na maraming tao ang kumakain mula sa ihawan. Sa pag-iisip na libre ang pagkain, kumain ng m­araming barbecue si Fairy Nova. Nang oras na para magbayad. Walang kamalay-malay si Fairy Nova. Kinompronta si Fairy Nova ng nagtitinda at saka ito kumaripas ng takbo. Gusto na lang nito na maglaho kagaya ng ginagawa ng mga fairy ngunit naalala nitong hindi ito puwedeng gumamit ng kapangyarihan sa pampublikong lugar.

Napansin nina Vina at Ronnie na nawawala si Fairy Nova at sa kanilang paghahanap ay natagpuan nila si Fairy Nova na tumatakbo. Dahil pagod na si Fairy Nova, naglaho ito sa harap ng mga taong humahabol sa kaniya. Naisip ng mga tao na isang masamang nila-lang si Fairy Nova.
Nagpatuloy ang mga haka-haka ng mga tao, buti na lang, narinig nina Vina and Ronnie ang mga pinag-uusapan nila. Nang matagpuan nina Vina at Ronnie si Fairy Nova na umiiyak sa isang eskinita, gusto na nito na umuwi su-balit sila ay sinusundan pa rin ng taumbayan.

Nagpaliwanag at humingi ng tawad sina Vina, Ronnie, at Fairy Nova. Nagbayad rin sila ng barbecue subalit nang hindi maniwala ang mga tao na normal na nilalang lamang si Fairy Nova, binura nito ang kanilang mga isipan at nakalimutan na nila ang lahat ng nangyari.

Matapos ang kanilang paglalakbay, bumalik na si Fairy Nova sa kabundukan at napag-isip-isip nito na payapa siya sa tahimik na kapaligiran.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy