Una sa Balita

Piolo, binalak layasan ang showbiz!

By
0 12

Ang Last Night ang second movie team up nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga na unang nag-tambal noong 2014 sa blockbuster movie na Starting Over Again.

Sa kabila ng success ng pelikula nila ni Toni, muntik nang mag-quit noon si Piolo sa showbiz dahil sa pakiramdam na burned out na siya.

Sa exclusive interview sa kanya ni Ricky Lo noong 2014, ipinagtapat ni Piolo na “The truth is that after ‘Starting Over Again,’ I didn’t want to renew my contract.

“I told myself that that movie was going to be my swan song. The movie was shot in February and my contract was going to expire in May. They were rushing my soap, ‘Hawak Kamay’, para pumirma ako ng bagong kontrata.

“But they knew that I wanted to quit, that I wasn’t really keen on signing again. But I said, ‘Okay, what’s two years?’ I’ll be 39 by then, nasa window pa rin ng pag-aasawa.”

Blessing in disguise na hindi natuloy ang plano ni Piolo na talikuran ang showbiz dahil nagkaroon ng bagong sigla ang acting career niya at naging successful movie producer siya.

‘Baby’ nina Bela at ex-BF na si Neil, 3 years old na

Iniwasan noon ni Neil Arce ang mga reporter na nagtangka na mag-interbyu sa kanya tungkol sa breakup nila ni Bela Padilla at sa napapabalita na relasyon nila ni Angel Locsin kaya nagtaka ang entertainment press nang dumalo siya noong Huwebes sa presscon ng Last Night at sinagot ang mga tanong na may kinalaman sa personal na buhay niya.

May valid reason si Neil para sumali sa presscon ng Last Night dahil ang N2 Productions nila ni Boy2 Quizon ang co-producer ng pelikula nina Toni Gonzaga at Piolo Pascual na mapapanood sa mga sinehan simula sa September 27.

“This project is very important sa akin kasi hinintay namin ito ng two, three years bago gawin.

“Saka the right casting, talagang hindi kami pumayag na hindi namin gusto ‘yung cast, saan pupunta ‘yung pelikula. Tama talaga lahat ng timing so medyo baby project talaga,” ang sabi ni Neil tungkol sa project na nabuo noong girlfriend pa niya si Bela.

Maipagmamalaki ni Neil na magkaibigan pa rin sila ni Bela dahil maayos ang paghihiwalay nila.

“Wala naman kaming ginawang masama sa isa’t isa. Kumbaga, hindi naman kami 18 years old na magsusulat kami ng masasama sa pader tungkol sa isa’t isa. I think we’re both mature enough to work together,” ang pahayag ni Neil tungkol sa relasyon nila sa kasalukuyan ng ex-girlfriend niya.

Nang tanungin si Bela tungkol sa sagot ni Neil, umayon siya sa pahayag ng kanyang dating boyfriend.
“Tama naman po lahat ng sinabi niya. Saka you asked kanina why he’s sitting here? He deserves a seat kasi he’s one of the persons who conceptualized the movie with me.

“While I was writing (the story), siya ‘yung kung sa akting, siya ‘yung kabatuhan ko ng mga idea. Hindi ko rin naman siya maisusulat nang ganito kung hindi rin dahil kay Neil.”

Hindi pa umaamin si Neil tungkol sa tunay na relasyon nila ni Angel Locsin pero may kinalaman din ito kaya nabuo ang collaboration sa pagitan ng N2 Productions at Star Cinema. Boluntaryo na ikinuwento ni Neil ang partisipasyon ni Angel sa Last Night.

“Actually, si Angel ang nagsabi sa amin na mag-pitch sa Star Cinema kasi ikinuwento ko sa kanya ‘yung story so pinag-pitch niya kami sa Star Cinema,” ani Neil.