Una sa Balita

Piolo ayaw makita ng anak ni Sharon

0 903

Humingi ng paumanhin si KC Concepcion sa kanyang inang si Sharon Cuneta nang isnabin ng una ang birthday celebration ng huli sa “ASAP” last Sunday. Nag-post si KC ng throwback photo nila ng kanyang Mommy sa Instagram.

Sa caption, sinabi ni KC na “personal” ang dahilan sa hindi niya pagdating sa selebrasyon ng kanyang ina.

“Happy birthday mama. I’m sorry I couldn’t join the ASAP celebration for personal reasons. We may not be perfect, but in the many ways I know how to LOVE you, I have, I do and always will. I have done all I can to help you when I could and to make you proud knowing you had me so young.

“If I fail, I’m only human and I’m sorry. But I try my best. Happiest birthday to you mama. May your light shine brighter and brighter and I will see you soon. I love you and pray for your happiness always,” sabi ni KC.

Hindi na binanggit pa ni KC kung ano ang sinasabi niyang personal reason.

Medyo matagal-tagal na rin mula nang huling tumuntong si KC sa “ASAP” , at dapat sana ay ang birthday celebration ng ina ang unang pagkakataong makikita niya ang mga nakasamang talent ng Kapamilya.

May mga humuhula na si Piolo Pascual ang iniwasan ni KC, ayaw niyang makita, kaya dinedma niya ang birthday celebration ng ina?

Derek patuloy ang dasal para sa Australia

Kabilang si Derek Ramsay sa maraming Pinoy celebrity na nagpahayag ng kanilang malasakit sa sunog sa Australia. Natatangi lang ang post ni Derek ng kanyang paga-alala sa Australia dahil nilakipan niya ng mahabang dasal ang kanyang ni-repost na “Pray for Australia”.

“Almighty God and Father, you are God of heaven and earth. You created plants and animals and made everything that they may declare your praises and glory. We call on you believing you hear your people. We call on yo believing you hear your people. We join others to pray for Australia and the bushfires that are raging and ravaging the lands in Victoria, New South Wales, South Australia and Queensland. You are God, you are all powerful, Just send the word and it will come to pass,” dasal ni Derek.

Sa kanyang dalangin, humingi si Derek ng sunod-sunod na pag-ulan para maapula na ang apoy.

“Send forth rain, a lot of rain, over many days to quench the parched land and out every ember and fire. Stop the devastation and the death of people, animals and bush life. Protect the residents in these areas. Give strength to the fire volunteers and emergency service workers. Give wisdom to the government and move people to respond where it is needed. Let Australians see your mighty hand at work. Let people be humbled and call upon you. Let your spirit sweep across Australia. More than ever, open people’s hearts and minds. Let this be a time of reckoning, that people may return to you.

“Lord Jesus, just say the word, rain will come and the fires will stop. To you be all glory, honour and praises. Amen.”

Kiray daig pa ang beki sa panghaharot sa dyowa

Mas nagiging agresibo na si Kiray Celis sa kanyang nararamdaman sa non-showbiz boyfriend. Natutukso na nga si Kiray ng kanyang mga follower na nagmumukha na siyang bakla dahil sa pagiging mas vocal sa kanyang pag-ibig sa lalaki.

Sa post ng komedyana ng larawan nila ng dyowa na kuha sa tabing dagat, “I love You” ang caption ng aktres, kasunod ang pagbanggit niya sa IG name ng boyfriend na si @stephean.estopia.

Sa relasyong ito, walang dudang mas lamang ang pagmamahal ni Kiray sa kasintahan niya, dahil mula nang ilantad niya ang kanilang relasyon, mas maraming palipad-hanging pag-ibig ang aktres kaysa ang kanyang boyfriend.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More