Una sa Balita

Piolo, Arci magka-date sa ABS-CBN Ball?

0 591

abante-i-know-better-jun-nardoMagkahalong lungkot, sarap, kali­gayahan, ang na­raramdaman ni Piolo Pascual ngayon (Friday, August 10) sa pagtatapos ng teleserye nila ni Arci Muñoz, ang ‘Since I Found You’, sa ABS-CBN 2.

“Siyempre masarap na ma­lungkot. Masaya tayo dahil nabigyan ng chance na gumanap sa something like this na puwedeng balikan at panoorin. Masarap ‘yung pakiramdam na may na-build kaming relationship,” sabi ni Piolo.

Na bongga nga dahil ma­raming kinilig sa inyo ni Arci. Na may Piolo-Arci love team na, ha!

“It’s a welcome change. Si Mona naman is very gi­ving. Nakakatuwa siya kasi contagious, nakakahawa ang energy niya. Masarap siyang kasama, kasi nakikisabay tayo sa kanya.

“She’s fun to watch. Nakakatuwa lang kasi na-enjoy ng mga tao, eh.”

So, si Arci na ba ang ka-date niya sa ABS-CBN Ball (dating Star Magic Ball)?

“Si Mo­na, lagi siyang ka-table namin. From the first time she attended, nakakasama na namin. But it remains to be seen. Hindi ko alam kung ano mangyayari sa ball.

“It’s the first time ABS is doing it this time, at hindi Star Magic. So, hindi ganu’n kalaki ang responsibility. ‘Pag Star Magic kasi, you have to be hosting e­veryone, entertain everyone, kasi kayo ang nagri-represent ng ball eh.”

Pero, may tradition ka rin every year sa ball, na palaging si Shaina Magdayao ang ka-date mo?

“‘Yun nga, may tradition din every year. So tingnan natin. I don’t wanna preempt muna anything. We’re okey. We’ll see.”

So, si Shaina nga?

“As much as possible, ayo­ko munang magsabi, baka it might be taken out of context. So, hindi na muna ako magsasalita,” saad ni Piolo.

Piolo 1 buwan magsu-shooting sa Marawi

Anyway, ano ba ang mga aabangan pa kay Piolo ngayon?

“I’m flying to Marawi (Thursday) para mag-shooting for the whole month of August. Then, balik lang sa Manila for ASAP. Then, after Marawi, shoot again for a endorsements.

“Then, sa September I’m gonna have my vacation with my family. Nakaplano na ‘yung bakasyon na ‘yon, na yearly namin ginagawa.

“Then, sa October may concert tour with my son, sa Canada and States. November 2 ang gagawin ko, with Lav Diaz and Direk Martin.

“Then, try kong magpahinga muna. Pero next year may concert din nakahanda. Pero, try ko rin talagang magpahinga. Nakakaya pa naman.

“Eh, marami pang naka-line up sa Spring Films (film outfit ni P­iolo). So, tingnan natin.”

Pero, naisisingit pa niya ang sumali sa Iron Man sa Cebu, ha!

“Naitawid ko naman. Sabi nga ni Direk Joyce (Bernal) ‘Nakakalimutan mo na yata nagsu-soap ka’, pero kaya pa naman.

“Ang Iron Man kasi, tradition na rin ‘yan. Ginagawa ko ‘yan for the last 8 years na rin. Ibang discipline ang binibigay sa akin ng pagi­ging athlete ko. it’s another facet ng buhay mo ‘yon, na masayang nagagawa mo pa rin.
“It’s a sweet life. Like kanina, at 3 am, binabasa ako ng ulan. Then, taping ng Home Sweetie Home. Then, interview na agad,” kuwento pa ni Piolo.

Siyempre napapagod ka rin, ‘di ba?

“Kung walang excitement kung walang hunger for something else, hindi ako gigising nang maaga, like sa Iron Man puwede na ako mag-beg off, pero commitment ‘yon.
“Talagang love for what you do ito. Sabi ko nga, paano ba ‘to? Sunud-sunod, sabay-sabay, pero naitatawid naman. You just gotta live life one at a time. Ganun talaga ang buhay. Sabi nga, you gotta strike while the iron is hot.”

Piolo, wala pang planong mag-asawa, magkaanak ulit

At sa sobrang busy mo, maraming aspekto ng buhay mo ang napapabayaan.

“Maraming nani-neglect talaga. Isa na nga ang lovelife. But it’s a choice. How can you juggle all of these things, all at the same time?

“So, imposibleng wala kang ma-miss out. Sabi ko, I’ve been married to my career for the last 20 years. And I know that there’s time for everything. I’m trying to be practical sa ngayon. Sabi ko, habang kaya ko pa. Kaya siguro hindi ako tumitigil sa pag-exercise, pagsali sa Iron Man.”

Paano na ang plano niyang magka-baby ulit?

“I got my son, Iñigo. I got my apo. To have another offspring… I still wanna go out for another year, to go around, before I think of settling down. Parang gusto ko naman muna i-enjoy ang buhay at mag-travel na wala akong bagay na inisip, o iniisip na uwian. Kapag wala kang iniisip na mas maraming bagay, mas marami akong nagagawa.”

Piolo katakam-takam pa rin

Anyway, bongga pa rin naman si Papa Piolo. Kapanta-pantasya, at katakam-takam pa rin sa kababaihan. Ano ba ang feeling na desirable pa rin siya hanggang ngayon?

“Ah… insip ko talaga. Okey. Hahahaha!

“Modesty aside, lahat naman ng mga bagay may pinanggagalingan­. I’m humbled by the thought  na galing ito sa Panginoon ko, sa Diyos natin, and I don’t have any right to claim, you know, o sabihin na it’s all my doing.

“As long as I know na I wake up everyday feeling positive about life. And be able to give back to the world. Sarap lang magbigay ng love, life, sa iba, at nagri-radiate yon sa personality mo.

“Physically I sleep a lot. Drink a lot of water. I sweat it out. Exercise an hour or 2 para ma-balance ang buhay mo,” sabi na lang ni Piolo.