Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinulbos mga NPA lider, sundalo may P9 reward

0 65

TUMANGGAP ang `top performing units’ ng Eastern at Western Mindanao Command ng P9 million na reward mula kay Pangulong Rodrigo Duterte, dahil sa pagsugpo sa mga high ranking leaders ng New People’s Army.

Sa pahayag, sinabi ng Armed Forces of the Philippines na sa P9 million, ang P7 million ay ibinigay sa units sa ilalim ng EastMinCom habang ang P2 million ay sa Western Mindanao Command.

Kabilang sa mga `neutralized’ ng mga sundalo sina Marcelino Navarro, ng NPA North Eastern Mindanao Regional Committee 2nd deputy secretary at head ng education at propaganda; Manuel Magante Gilo, finance officer ng ROC-SMRC; Romeo Lendio Libron, ROC-SMRC commanding officer; Rogelio Masaya Udal, Regional Ordinance member at former Pulang Bagani Command (PBC-1) vice commanding officer; Zaldy Gulmatico Pulido, secretary ng Guerrilla Front 53; at Danny Huit, secretary ng Guerrilla Front North, SRC-1, SMRC.

Naunang pinuri ni Sobejana ang EastMinCom dahil sa walang puknat nitong giyera kontra sa NPA. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.