Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pintor timbog sa sex trip kay nene

0 130

Arestado ang isang pintor matapos nitong pahawakan ang kanyang ari sa isang walong-taong gulang na batang babae habang nanonood ng x-rated na pelikula sa loob ng computer shop sa Navotas City nitong Miyerkoles.

Kasong Acts of Lasciviousness in Relation to 7610 (child abuse law) ang isinampang asunto laban kay Jefferson Dacayo, 36-anyos, binata at residente ng No. 366 R. Domingo St., Brgy. Tangos ng nasabing lungsod.

Sa ulat ng Women’s and Children’s Protection Desk (WCPD) ng Navotas Police, nanonood umano ng bold na pelikula sa loob ng computer shop ang suspek nang pumasok ang biktima at tatlo niyang kaibigan bandang alas-11:30 ng gabi.

Pagkakita sa biktima ay tinawag umano ito ng suspek at pinaupo sa kanyang tabi. Maya-maya ay nagulat ang biktima nang pinahawakan ng suspek ang kanyang ari sa bata habang nakatutok ang mga mata sa pinanonood nitong pelikula.

Ilang saglit lang at lumabas ng computer shop ang suspek at hindi nito napansin na nakita ng mga kaibigan ng biktima ang kanyang ginawa. Inaya ng mga ito ang biktima na umuwi at saka isinumbong sa ina nito ang ginawa ng suspek.

Nagtungo sa Sub-Station 2 (SS-2) ang nanay ng estudyante at ipinaaresto si Dacayo. Todo-tanggi ang suspek sa akusasyon pero natameme ito dahil nahagip ng CCTV ang kanyang ginawa sa biktima. (Orly Barcala)

Leave A Reply

Your email address will not be published.