Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinta ng tibay’ pintura challenge may mga nanalo na – Pioneer

0 93

Sa halos 1,000 nagrehistrong contestant at 370 nagsumite ng entry mula sa Luzon, Visayas at Mindanao, limang boat designers ang tinanghal na winner sa Pioneer’s “Pinta ng Tibay” Pintura Challenge 2021.

Si Willam Sillar mula Masbate ang dineklarang Overall Champion sa Pioneer’s “Pinta ng Tibay” Pintura Challenge 2021. Ang iba pang nagwagi ay sina Abduljamal Asnani ng Zamboanga City (2nd Place), Hesam Sahi ng Cebu City (3rd Place), Julius Pablo ng Aurora (4th Place), at Josmar Lauron ng Cebu City (5th Place).

Tumanggap ang mga nagwagi ng kabuuang P300,000 papremyo.

Ang Pioneer Adhesives, manufacturer ng nangungunang brand Pioneer Epoxy ang nasa likod ng Pinta ng Tibay Pintura Challenge , design challenge contest mula May 4 hanggang June 30, at pinalawig hanggang nitong July 16 na may temang “Pyesta ng Bangkang Makulay at Matibay 2021”.

Alinsunod sa sa panuntunan ang lahat ng contestant ay dapat gumamit ng Pioneer Marine Quick Dry Enamel (PMQDE) at Pearl Glaze bilang pintura o kumbinasyon para sa buong bangka.

Leave A Reply

Your email address will not be published.