Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Pinta ng Tibay 2022’ ng Pioneer arangkada na

0 78

Bilang pagsuporta sa Filipino boat makers inanunsyo ng Pioneer Adhesives, Inc., ang gumagawa sa nangungunang brand na Pioneer Epoxy ang pagbubukas ng taunang “Pinta ng Tibay” Pintura Challenge.

Ang Pintura Challenge 2022 ay nagsimula nitong Mayo 4 at tatagal hanggang July 30, 2022 at bukas sa lahat ng boat makers, boat owners, contractors at enthusiasts.

Sa mga interesadong grupo maaaring sumali online sa pamamagitan ng pag-fill out ng registration form.

Ang tema ngayong taon ay “Makulay na Yamang Dagat,” na layong hamunun ang pagkamalikhain ng mga participant mula Luzon, Visayas, at Mindanao, at ipakita ang ganda at yaman ng Philippine underwater marine habitat.

Ang mga entry na lewd, political, discriminating at may offensive design o texts ay madi-disqualify.

Ang mga entry ay dapat gumamit ng Pioneer Marine Quick Dry Enamel (PMQDE) at Pearl Glaze bilang pintura o combination ng dalawa para sa kabuuang bangka.

Ang submission ng entries ay hanggang August 5, 2022 ng alas-11:59 PM.

Ngayong taon ay 50 ang mananalo ng kabuuang P600,000 cash at prizes na ipamamahagi.

Ang over-All Champion ay mag-uuwi ng P70,000 cash, 2nd Placer P60,000, at P50,000 sa 3rd Placer.

Ang winner nakaraang taon na si William Sillar ng Masbate ang idineklarang overall champion.

Leave A Reply

Your email address will not be published.