Una sa Balita

Pinsan 6 ulit pinapak

By
0 1,729

Bumagsak sa kamay ng mga pulis ang isang ­mekaniko na umano’y nanghalay ng anim na beses sa kanyang kamag-anak sa Marinduque makaraang matunton ito sa tinutuluyan sa Valenzuela City kamakalawa.

Sa ulat ni SPO3 Louie Martinez, head ng Warrant and Subpoena Section (WSS) kay P/Sr. Supt. David Nicolas Poklay, hepe ng Valenzuela Police, kinilala ang akusado na si Andres Riflorido, 54, tubong Sta. Cruz, Marinduque, naninirahan sa #654 Mac Arthur Highway, Malanday, Valenzuela City. 

Sa talaan ng Boac, Marinduque Police, si Riflorido ang itinurong humalay sa pinsan noong Nobyembre 2017.
Matapos kasuhan ng 6 counts of rape under Criminal Case No. 98-17, tumakas ang akusado at nanirahan sa bahay ng kamag-anak sa Malanday ng mahigit isang taon. 

Lumuwas sa Maynila ang grupo ng WSS ng Marinduque Police at nakipag-coordinate kay SP03 Martinez, dakong alas-3:15 nang hapon bitbit ang warrant of arrest, inaresto ang akusado habang nagkukumpuni ng sasakyan. 

“Uuwi na sana ako sa Linggo para sumuko, kaya lang huli na eh, nasakote na,” anang suspek.