Una sa Balita

Pinsala ni ‘Quiel’: 3 patay, 8k lumikas

0 267

UMAKYAT na sa tatlong katao ang naiulat na patay habang isa pa ang nawawala sa malawakang pagbaha sa Cagayan dahil sa walang tigil na pag-ulan dahil dulot ng bagyong ‘Quiel’, ayon sa Provincial Climate Change Disaster Risk Reduction ­Management Office-Cagayan (PCCDRRMC-Cag).

Dalawa sa mga nasawi ay naitala sa bayan ng Claveria dahil sa pagkalunod at landslide habang isang 14-anyos ang nakuryente habang naglalaro sa baha sa bayan ng Aparri.

Sinabi ng ahensiya na isa naman ang patuloy na pinaghahanap sa bayan ng Baggao matapos malunod habang nangingisda sa bayan ng Baggao.
Sa datos ng PCCDRRMC-Cag, umakyat na rin sa kabuuang 2,373 pamilya o 8,185 katao ang inilikas mula sa walong bayan sa Northern Cagayan na ipinunta sa iba’t ibang mga evacuation center.

Sa ulat, kinabibilangan ang mga bayan na naaepektuhan ng flash flood ay mga bayan ng Sanchez Mira, Pamplona, Allmacapan, Claveria, Baggao, Lasam, Lal-lo at Camalaniugan.

Nasa 10 kalsada at 8 tulay din ang lubog sa tubig baha at hindi madaanan.
Nabatid pa na dahil sa mga pagbaha ay nasuspinde ang klase sa lahat ng antas sa nabanggit na mga bayan maliban na lamang sa Allacapan at Pamplona na pre school hanggang senior high school lamang ang sinuspinde dulot ng masamang lagay ng panahon. (Allan Bergonia/ Edwin Balasa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy