Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy worker aprub makabalik sa UAE

0 62

Kinumpirma ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na binalik na ng United Arab Emirates (UAE) Federal Authority for Identity and Citizenship (ICA) ang pagbibigay ng permit para makapagtrabaho ang mga dayuhang manggagawa.

Sinabi ng POEA na noong Oktubre 5, ipinagpatuloy ng ICA ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa mga permit sa trabaho sa pamamagitan ng kanilang website na www.ica.gov.ae.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa kabila nito, pinaalalahanan ng POEA na mahigpit pa rin na mga hakbang sa kalusugan na ipinapatupad sa mga daungan ng UAE at ang pre-testing ng COVID-19 sa mga manggagawa na dumarating ay mananatiling mandatory.

Samantala, sinabi din ng POEA na ang Philippine Overseas Labor Offices (POLO) sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ay inatasan na ipagpatuloy ang berepikasyon ng mga dokumento sa pagtatrabaho ng mga Pinoy.

Ito’y matapos payagan ng Saudi General Authority of Civil Aviation ang paglalakbay sa ibang bansa ng mga dayuhan, kasama na ang pagbabalik ng mga manggagawang Pilipino sa KSA sa sandaling maipakita ang negatibong resulta ng COVID-19 RT-PCR na kinuha sa loob ng 48 oras. (Mina Aquino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.