Una sa Balita

Pinoy woodpusher kampeon sa Dubai

0 207

BINULAGA ni Pinoy woodpusher Jaime Joshua Frias II ang seeded players tapos magkampeon sa katatapos na 26th Abu Dhabi International Chess Festival Open sa United Arab Emirates.

Nakipaghatian ng puntos si No. 44 Frias kay top seed Ibrahim Sultan ng host country upang ilista ang 8.5 points, sapat para iuwi ang titulo sa event na ipinatupad ang nine rounds Swiss system.

Sinagasaan ni Frias ang walong chessers, naging biktima niya ang mga kababayang sina Noli Delloro sa round 3 at Francis Erwin Dimacurut sa eight at penultimate round.

Sa Round 5 nasolo ni Frias ang top spot nang pagulungin si Ali Abdulaziz ng UAE.

Sumalo si Dimacurut sa nine-way tie sa fourth spot tangan ang pitong puntos.

Sa ipinakitang tikas ni Frias ay may performance rating itong 2213 kaya inaasahang malaki ang maidadagdag na puntos sa kanyang ELO rating. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy