Una sa Balita

Pinoy wagi sa France ice carving competition

0 480

ISANG Filipino mula sa Paete, Laguna ang nagwagi sa 28th Edition ng International Ice Carving Competition sa Valloire, France.

Napabilib ni Rogel Cabisidan ang mga hurado sa kanyang obrang ‘Sitting’ na nagwagi din ng public prize sa kompetisyon na isinagawa noong Enero 15 hanggang 18.

Tinalo niya ang 19 pang kalahok na nanggaling sa iba’t ibang panig ng mundo.

Ayon kay Rogel, gusto ng mga jury na abstract ang gawin ng mga kalahok pero gusto umano niyang maging realistic ito kaya’t pinaghalo na lamang niyang abstract at realistic ang inukit mula sa bloke ng yelo.

Sinabi ni Rogel na nagandahan ang mga jury sa kanyang ginawa dahil na rin sa high-precision spike hair at nanatiling transparent ang yelo.

Natuto ng art carving si Rogel sa Paete, Laguna noong siya ay 14-an­yos lamang. Nagtapos siya ng Hotel and Restaurant Management sa Laguna at nagtrabaho bilang sculptor-decorator ng isang kilalang hotel sa Maynila.

Nagtatrabaho siya ngayon sa isang shipping company sa France at dito na siya nagsimulang umukit, hindi lang sa bloke ng yelo kundi pati na sa mga kahoy, prutas, gulay, tsokolate at polystyrene.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy