Una sa Balita

Pinoy wagi sa 2018 Goldman Environment Prize

0 1,140

Nasungkit ng isang Filipino environmenta­list ang 2018 Goldman Environment Prize dahil sa kanyang kampanya laban sa lead-based paint.

Si Manny Calonzo ay isa sa anim na binigyan ng award ng Goldman Environmental Foundation dahil sa kanilang pagpupursige na pangalagaan ang kalikasan at kanilang komunidad.

Dahil sa kampanya ni Calonzo, napapayag nito ang Philippine government na ipagbawal ang produksyon, paggamit at pagbebenta ng lead paint.

Ang iba pang nagwagi ay sina Makoma Lekalakala at Liz McDaid ng South Africa, Francia Marquez ng Colombia, Khanh Nguy Tui ng Vietnam, LeeAnne Walters ng Estados Unidos at Claire Nouvian ng France.

Ang Goldman Environmental Prize ay taunang ina-award sa ‘grassroots environmental heroes’ mula sa anim na kontinente.

Tubong Makati City ang 54-anyos na si Calonzo na ginugol ang 30 taon ng kanyang buhay sa paglaban ng karapatang pantao at ng consumer.

Bilang dating presidente ng EcoWaste ­Coalition, inumpisahan ni Calonzo ang kampanya laban sa paggamit ng lead paint noong 2008 at nagbunga naman ito noong 2013 nang inanunsyo ng Philippine government ang Chemical Control Order na nagtatakda ng legal maximum na 90ppm lang ang lead ng pintura

Pagsapit ng taong 2017, ang 85% ng paint market sa bansa ay sinertipika nang ligtas sa lead.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy