Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy transgender pasok sa `Batgirl’

0 196

Pasok at bibida sa pelikulang ‘Batgirl’ ang Filipino-American transgender actress na si Ivory Aquino, na ayon sa mga ulat ay sinasabing pamangkin ni yumaong dating pangulo Cory Aquino o pinsan ni Queen of all media Kris Aquino.

Si Ivory umano ay gaganap bilang si Alysia Yeoh.

Sa naturang pelikula, si Yeoh ang best friend ng bida na si Barbara Gordon o Batgirl, na gaganapan naman ni Leslie Grace.

Ang ilan pang Hollywood actor na makakasama ni Ivory ay sina JK Simmons, Brendan Fraser, Michael Keaton at Jacob Scipio.

Mula Pilipinas, si Ivory ay nagtungong US noong siya ay teenager upang mag-aral.

Una siyang lumabas sa telebisyon sa US sa miniseries na ‘When We Rise,’ kung saan ginampanan niya ang character ng isang aktibistang transgender.

Ayon naman sa Vice Asia, si Ivory ang unang gaganap sa unang transgender character na lalabas sa isang pelikulang hango sa DC comics. (MJD)

Leave A Reply

Your email address will not be published.