Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy titser sa Hawaii kinasuhan ng child pornography

0 103

Isang Pinoy titser ang dinakip sa Oahu, Hawaii matapos makumpirmang nakikipagpalitan ito ng mga pornographic na mensahe, larawan at video ng mga bata sa kanyang kapwa guro sa Philadelphia, USA.

Sa isang ulat, inaresto ng Honolulu Federal Bureau of Investigation (FBI) ang suspek na si Alden Bunag Oahu’s Pearl City High School (PCHS) kung saan siya nagtuturo ng summer school noong Hunyo 18.

Natuklasan na namamahagi umano si Bunag ng child pornography sa pamamagitan ng Telegram.

Batay sa court documents, nakipagpalitan si Bunag ng halos 3,400 pornographic na mensahe, mga larawan at video ng mga bata sa isang private teacher sa Philadelphia kung saan inaresto na rin ito ng pulisya noong Oktubre ng nakaraang taon.
Nagpadala rin umano si Bunag ng video habang nakikipag-sex siya sa isang 13-anyos na batang lalaki habang naka-lunch break sila sa paaralan.

Nakatakdang humarap sa preliminary hearing si Bunag sa Lunes, Hunyo 27.

Leave A Reply

Your email address will not be published.