Una sa Balita

Pinoy tinodas ng pulubi sa LA

0 397

LOS ANGLES, CALIFORNIA – Patay ang isang Pinoy matapos na kursunadahin ng isang pulubi sa Metro Train Station sa Los Angeles, California.

Namatay dahil sa tinamo nitong bugbog ang 70-taong gulang na Pinoy na si Julius Rondez na tubong Mindanao at nagtatrabaho sa City of Los Angeles Department of water and power.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Los Angeles­ Police Department, pauwi na ang biktima galing sa trabaho at habang naglalakad sa Metro Train Station ay bigla siyang sinapak at binugbog ng nakasalubong na suspek na nasa edad 20 – 30 na umanoy isang homeless.

Nakahandusay at duguan nang datnan ng mga rumespondeng pulis at paramedic ang biktima kung saan agad itong isinugod sa pagamutan pero binawian din ng buhay kinabuksan dahil sa matinding bugbog.

Matipid sa imporasyon ang LAPD pero hawak na nila ang kuha ng mga security came­ra sa lugar kung saan nahagip ang suspek na tumatakas.

Humihingi ng tulong sa publiko ang LAPD para agad maaresto ang suspek na ngayon ay hinahanting na ng mga pulis .

Sumisigaw naman ng hustisya ang mga naulila ni Julius at hiling nila ang agarang pag-aresto sa suspek para hindi na makapambiktima pa ng iba. (Dave Llavanes Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy