Una sa Balita

Pinoy tiklo sa child pornography, kulong ng 12 buwan sa HK

By
0 951

ISANG Filipino sales e­xecutive na umamin sa kasong child pornography­, ang hinatulan na mabilanggo ng 12 buwan ng District Judge sa Hong Kong nitong Lunes.

Sa ulat ng The Sun Hong Kong, napatunayan na si Lordjel Gelizon, 33-anyos at walang asawa, ay nag-download ng 32 larawan at 138 video clips mula sa child pornography websites mula noong Agosto 2013, at itinago sa kanyang notebook PC.

Naaresto siya sa isinagawang raid ng mga pulis sa inuupahang apartment sa Tsim Sha Tsui noong Abril 19, 2016. Kinasuhan siya noong Enero 2017 at unang dininig ang kaso noong Setyembre nang nakaraang taon.

Ayon sa court record, nakita sa computer ni Gelizon ang larawan at video ng mga batang may edad 5 hanggang 15-anyos na nakikipagtalik sa adult nang walang condom.

Nabatid na si Gelizon ay ipinanganak sa Hong Kong, at doon nakapag-aral ng elementarya hanggang third year high school saka lumipat sa Pilipinas at nag-aral ng marketing course. Nagnegosyo pa siya sa Pilipinas subalit nang nalugi ay bumalik sa Hong Kong at nagtrabaho sa iba’t ibang kompanya hanggang sa maging sales executive ng electronic service company.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More