Pinoy teachers, kailangan sa China, Japan, Vietnam at South Korea

By

Daang libong mga English teachers ang kinakailangang masanay sa ating bansa upang maipadala sa mga bansang Tsina, Japan, Vietnam hanggang South Korea.

Ayon kay Atty. Diosdado Padilla, TESDA Deputy Director General for Communities and Local Government Unit Services, na dapat masanay at mapaghandaan ang job opportunities na ito sa ibang bansa.

Sa idinaos na Nueva Ecija Press Club Media Forum sa PNP Hostel sa Cabanatuan City kahapon, sinabi ni Padilla na mula sa 42,036 mga barangay sa buong Pilipinas ay umabot umano sa may 822,000 ang nagpatalang nais makapagsanay sa mga kursong iniaalok ng TESDA o Technical Education Skills Development Authority.

Nabatid na sa kasalukuyan ay aabot sa 450,000 mag-aaral ang nasa central database ng TESDA.

Ipinahayag pa ni Padilla ang posibilidad ng pagiging departamento ng TESDA para sa mabilis na pagdedesisyon hindi tulad ngayon na kailangan ang pagsang-ayon ng may 20 miyembro ng board.


SHARE