Una sa Balita

Pinoy teacher ginawaran ng US presidential award

0 276

MULING kinilala ang husay ng mga Pilipino sa ibang bansa.

Ito’y matapos mapabilang ang isang Pinoy sa apat na Hawaii public school teacher na binigyan ng parangal na Presidential Awards for Excellence in Mathematics and Science Teaching o PAEMST sa Washington DC.

Kuwento ni Dr. Nel Venzon sa ABS-CBN News, napunta siya sa pagtuturo dahil sa pagiging curious niya palagi sa science.

Isang Advanced Placement Biology teacher sa Mililani High School sa Hawaii si Venzon at 14 taon nang math and science teacher.

Hinahangaan si Venzon ng kanyang mga estud­yante dahil sa pagiging ‘most prepared teacher’ at ‘effective teacher’.

Ang PAEMST ang highest award na ibinibigay ng gobyerno ng Amerika sa mga kindergarten hanggang Grade 12 teacher ng mathematics at science.

Naitatag ito noong 1983. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy