Una sa Balita

Pinoy sumungkit ng 175 medalya sa World Scholar Cup

0 517

Nakamit ni Dalton Mojica ng Southville International School and College student ang top 1 sa Filipino Champion Scholar title sa 2019 World Scholar’s Cup (WSC) sa Yale University.

Ang pangunguna ni Mojica ay ipinagmama­laki ng WSC bilang delegado ng paaralan na nanalo ng may 175 medalya sa world tournament noong Nobyembre 8-13 .

Nabatid na may 570 champion team mula sa 61 bansa ang nakipaglaban.

Nalaman na una nang nanalo noong nakalipas na taon si Miguel Dominico Alzona na sinundan ni Dalton kaya naranasan ngayon ng Southville ang back-to-back top Filipino Champion Scholars.

Nanaig si Alzona sa Collaborative Writing noong 2018, kung saan nai-feature din sa The New York Times ang 500 word opinion piece, na ‘Africa’s Curtain Call’.

Habang nanaig naman si Mojica sa team debate dahilan para makuha ang maraming awards at pinakamagaling na performance sa lahat ng mga lumahok sa tournament.

Sina Alzona at Mojica ay kapwa graduating­ students ng Southville. (Juliet de Loza-­Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy