Una sa Balita

Pinoy sugatan sa Las Vegas shooting

0 5

Isang Filipino-American ang kabilang sa higit 500 sugatan sa pamamaril ng isang gunman sa Las Vegas Strip na itinutu­ring na worst gun attack sa kasaysayan ng Estados Unidos.

Nabatid na ang Las Vegas-born na si Arthur ‘Arty’ Andrade, 21, ay tinamaan sa tiyan nang ratratin ng gunman na si Stephen Craig Paddock, na nakapuwesto sa ika-32 palapag ng Mandalay Bay Resort and Casino, ang 22,000 kataong nanonood sa music festival sa labas ng hotel.

Kasama noon ni Andrade ang kanyang girlfriend at ang kaibigan niyang may ka-date din, nang mahagip ng bala sa tiyan. Ayon sa kanyang pamilya, sumailalim sa surgery si Andrade at nagpapagaling na sa isang lokal na ospital doon.

Tinatayang 59 katao ang patay at higit sa 500 ang sugatan nang mamaril si Paddock sa mga nanonood ng concert.

Binaril ni Paddock ang sarili nang salakayin ng SWAT ang kanyang kuwarto sa Mandalay.