Una sa Balita

Pinoy studes wanted sa New Zealand

By
0 125

Hinihimok ng bansang New Zealand ang mga estudyanteng Pilipino na mag-apply ng scholarship sa kanilang bansa.

Ito ang panghihikayat ni New Zealand Ambassador to the Philippines na si David Strachan nang dumalo ito sa isang press briefing sa Davao kung saan sinabi nito na taun-taon ay nagbibigay sila ng 24 post-graduate scholarships sa mga Pinoy sa sektor ng disaster risk management, agri-industries at renewable energies.

Dagdag pa nito, patuloy na lumolobo ang mala­king bilang ng mga Pinoy na nakikipagsapalaran sa kanilang bansa kung saan mayroon ng 3,600 students noong 2015.

Ang bansang ito ay may limang unibersidad na kabilang sa top 500 sa buong mundo.

Nakasisiguro raw ang ating mga kababayan na maganda ang kalidad ng edukasyon na maibibigay ng kanilang bansa para sa mga Pilipino na nais subukan ang kanilang kapalaran doon.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy