Una sa Balita

Pinoy student na lodi si Einstein pinarangalan ni Trump

0 444

ISANG estudyanteng Pinoy ang tumanggap ng President’s Education Awards Program para sa Outstanding Academic Excellence mula kay US President Do­nald Trump.

Ang Gold Outstanding Acade­mic Award ay tinanggap ng grade 8 student na si Kerby Mari Ysmael L. Ramores, 13-anyos mula sa Windsor Locks, Connecticut.

Sa mahigit 300 estudyante, isa si Kirby sa apat na estudyanteng nabigyan ng Gold award mula sa tanggapan ng Pangulo ng Estados Unidos.

Ikinararangal ng mga guro sa Windsor Locks Middle School ang pambihirang kahusayan ni Kirby sa larangan ng physics.

Ayon kay Kirby, inspirasyon niya ang kahusayan ni Albert Einstein sa theoretical physics at gusto niyang alamin ang ilang pag-aaral na hindi natapos ni Einstein tulad ng quantum field theory.

Si Kirby L. Ramores ay pinanganak noong September 8, 2005 sa Manila, Pilipinas at pangalawa at nag-iisang lalaking anak nina Mr. and Mrs. Nino at Johan Ramores na tubong Daet, Camarines Norte

Noong 2004 ay nag-top sa architecture board exam ang ama nitong si Nino Ramores na nagtapos sa Adamson University kung saan agad itong inalok magtrabaho sa Amerika ng isang Italian construction company.

Graduate naman ng Bachelors of Communication Arts sa Bicol University ang ina nito na si Johan. (Dave Llavanes Jr.)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy