Una sa Balita

Pinoy sorbetes patok sa London

0 300

ALAM niyo ba na ang sikat na Pinoy dirty ice cream natin ay kinagigiliwan na rin sa UK matapos bigyan ng parangal ng Camden Town bilang Best Sweet Treat Award mula sa Golden Chopsticks Awards (GCA) sa London.

Ayon sa mga owner na Pinoy na sina Omar Shah at Mae Maglanoc, “We had a goal, and that goal was to spread the love and flavours the islands of the Philippines have to offer.”

Layunin ng magkaibigan na ipakalat sa mundo ang mga nata­tanging sarap na mayroon ang Pilipinas kaya sa pamamagitan ng kanilang ice cream ay ipakakalat nila ang iba’t ibang lasa ng prutas ng bansa.

Kabilang sa sikat na flavor ng Pinoy dirty ice cream ay ube (new matcha), pandan (Asian vanilla), calamansi (Pilipino yuzu) na binigyan ng kakaibang pangalan para maging exotic o kakaiba na una nilang nabuo noong 2017.

Sa bawat tikim ay makararanas ka ng sumasabog na init, lamig, tamis at magatas na ice cream na nakapalaman sa loob ng sikat na Mamasons bun– isang Filipino baked pandesal na pinalamanan ng ice cream.

Ipinapakita ng Mamason ang kanilang inspirasyon sa paggawa ng dirty ice cream na kung saan sikat ito sa Pilipinas na makikitang inilalako ng Mamang sorbetero sa kalsada na sinusundan naman ng mga bata para matikman ang malamig at masarap na ice cream. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy