Una sa Balita

Pinoy seaman patay sa Italy

0 327

NASAWI ang isang seaman matapos mahulog sa dagat habang naglilinis ng bintana ng barko sa Livorno, Italy nitong nakaraang linggo.

Kinilala ang tripulanteng Pinoy na si Marvin Galero, 26-anyos, crew Vision of the Seas.

Sa ulat alas-11:30 nang umaga noong Set­yembre 5 nang mahulog si Galero mula sa pinakamataas na deck ng barko habang nag­lilinis ng bintana.

Tinangkang iligtas­ ang marino ng mga rescue diver ng Vigili­ del Fuoco di Livorno matapos makatanggap ng tawag mula sa commander sa control room ng barko subalit wala na itong buhay nang matunton sa lalim na 13 metro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy