Una sa Balita

Pinoy seaman niligtas ng US coast guard

0 338

ISINAILALIM sa medical evacuation ng United States coast guard ang isang 54-taong gulang na Pinoy na kapitan ng 738-foot Vessel Victoria.

Sa nakuhang report ng Abante mula sa US Coast Guard District 11 na nakabase sa San Francisco sa California, humingi ng tulong ang nasabing barko matapos na mag-collapse ang kanilang kapitan habang sila ay naglalayag sa anchorage south ng San Francisco malapit sa Yerba Buena island sa California.

Agad na nagpalipad ng MH-65 Dolphin Helicopter ang US Coast Guard kung saan naglalayag ang barkong Victoria.

Ayon sa mga nakasaksi, huli nilang nakita ang kanilang kapitan na hawak hawak ang dibdib nito bago ito bumulagta sa sahig.

Agad namam ini-airlift sa John Muir Medical Center ang natu­rang Kapitan na ayaw na munang pangalanan ng US Coast Guard.

Hindi pa din inilalabas ng John Muir Medical Center ang estado ng kalagayan ng biktima. (Dave Llavanes)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy