Una sa Balita

Pinoy sa US pinag-iingat sa Hurricane Irma

By
0 3

Pinaalalahanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng Filipino na nasa Florida at sa Caribbean na mag-ingat at maghanda sa inaasahang pananalasa ng Hurricane Irma.

Ang abiso ay inilabas ng DFA, kasunod na rin ng paglapit ng nasabing sama ng panahon sa naturang mga lugar na ngayon ay tumatawid na sa Atlantic Ocean.

Nakasaad pa sa kalatas ng DFA na mahigit sa 152,000 ang Filipino ang posibleng nadaanan ng Hurricane Irma na isinalarawan na isa sa pinakamalakas na bagyo na naitala sa Atlantic Ocean.

Abante Hiring – IT dep

“We have seen how Hurricane Irma has been gathering strength in the past few days. Our kababayans in Florida and other parts of the East Coast and the Caribbean must heed the warnings of weather experts and take the necessary precautions to ensure their safety,” ayon kay Cayetano.

Sinabi pa nito na naka-standby at naka-monitor ang Philippine Embassy sa Washington, D.C. at Philippine Embassy sa Mexico gayundin sa Philippine Honorary Consulates sa Haiti at ang Dominican Republic.

Base sa datos ng United States National Hurricane Center, ang bagyong Irma ay nasa Category 5 hurricane na inaasahang sasalantain ang lahat ng madadaanan nito.

“We advise all our kababayans along the path of Hurricane Irma to stay indoors and avoid unnecessary travel until the storm has passed,” sabi ni Chargé d’Affaires Chuasoto na nagsabing nakikipag-ugnayan na ito kina Honorary Consul Henry Howard ng Florida at Honorary Consul Fitzgerald Brandt sa Port-ay-Prince.

Sinabi naman ni Ambassador to Mexico Eduardo De Vega na tatamaan din ng nasabing bagyo ang Cuba na mayroong 500 Filipino habang sa Dominican Republic ay may 100 iba pa.

Habang nakikipag-ugnayan na rin si Ambassador De Vega ng Embassy sa Mexico sa mga pinuno ng Filipino Community sa Havana at kay Honorary Consul Limuel Dudalo sa Sto. Domingo.