Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pinoy sa Hong Kong binalaan: Ingat sa pag-post

0 112

Binalaan ng Philippine Consulate General sa Hong Kong ang Overseas Filipino Workers (OFWs) doon na mag-ingat sa anumang ipino-post sa social media partikular na sa mga malalaswang larawan at videos.

Ito ayon na rin sa Konsulada ng Pilipinas ay dahil sa itinuturing itong serious offence sa nabanggit na bansa.

Anila’y may katapat din itong parusang 3- taon na pagkakakulong bukod pa sa multang 1 million Hong Kong dollars o katumbas ng P6,742,933.00.

Pinaaalalahanan din ng Philippine Consulate General ang mga Pinoy sa Hong Kong na sundin ang nasabing regulasyon upang hindi maharap sa anumang kaso sa bansa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.