Una sa Balita

Pinoy sa Guam natatakot sa giyera

By ,
0 184

Nababahala ang mga Filipino na nagtatrabaho at naninirahan sa Guam kasunod na rin ng banta ng bansang North Korea na aatakehin nito ng missile ang mga military bases ng US.

Ayon kay Norman Analista, pangulo ng Filipino Community of Guam, nangangamba ang mga ito sa kanilang kaligtasan sakaling matuloy ang bantang pagpapalipad ng apat na missile ng Pyongyang sa Guam.

“We’re very concerned about the news but we’ve been given assurance by the local government primarily through Governor Eddie Calvo that he is working with the military to ensure that the safety of all the residents are the utmost priority,” sabi ni Analista.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit sa 160,000-katao ang nakatira sa nasabing US island territory sa Micronesia kung saan 40 porsiyento ng populasyon nito ay mga Filipino.

Samantala, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) spokesman Robespierre Bolivar na normal ang sitwasyon sa Guam base na rin sa ipinadalang impormasyon ng Consulate General sa Guam.

“We have heard from our Consulate General that everything is normal in Guam. Having said that, our Consulate General has Contingency Plans which are regularly updated. These contingency plans will enable the Consu­late General to respond to emergencies in their areas of jurisdiction, including coordination with the host country and the Filipino community,” sa text message sa Abante ni Bolivar.

Ngunit ayon kay Guam Governor Eddie Calvo, sakali mang tunay ang banta ay nakahanda naman sila sa anumang tensyong maaaring bu­malot sa kanilang rehiyon.

Ang Guam ay tahanan ng halos 6,000 US troops at makikita sa pagitan ng Korean Peninsula at South China Sea.

Banta ni Trump minaliit

Samantala, tinawanan lang ng NoKor ang banta ni Pres. Trump na kanilang sinabi na walang katuturan at nanindigan sa kanilang plano na magpa­lipad ng missiles patungo sa US territory sa Guam.

Ang deklarasyon ay kasunod na magyabang umano si Trump sa Twitter na ang nuclear arsenal ng Amerika ay ‘far stronger and more powerful than ever before.’

Nauna rito, binantaan ni Trump ang Pyongyang na tatapatan nito ng ma­tinding fire-power ang patuloy na missile tests ng huli sa Korean Peninsula kaya tinugon ito ng NoKor na bobombahin nito ang mga military bases ng US sa Guam.

Ayon sa official news agency ng Pyongyang, sinabi General Kim Rak-Gyom, commander ng North’s missile forces na ang pahayag ni Trump na ‘fire and fury’ ay walang katuturan o ‘a load of nonsense.’

“Sound dialogue is not possible with such a guy bereft of reason,” dagdag pa nito sa kanyang pahayag.

Matatapos ng military ang Guam plan sa kalagitnaan ng Agosto at isa-submit ito kay Kim Jong-un para pag-aralan. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy