Una sa Balita

Pinoy rider kampeon sa Brunei

0 60

Humarurot sa Brunei si Pilipino rider Gabriel Amigo III para pagharian ang Elite Category ng Asian Enduro Series 2017 kamakailan.

Isa lang si Amigo sa 12 riders ng Team Philippines na nakipagtagisan ng tibay ng tuhod sa karera noong nakaraang linggo.

Sa ulat ng Borneo Bulletin, binuno ni Amigo ang karera sa tiyempong 28:30 sa Tasek Serubing at Subok.

Isa sa mga tinalo ng Filipino rider, ayon pa rin sa Borneo Bulletin, ang paboritong si Frenchman Florent Poilane na naka-base sa Vietnam.

Pinagkasya ni Amigo sa second place si Poilane (28:56), third si Nick Shaine ng Canada (32:04).